Click! One Shot Story

7 0 0
                                        

“Aray!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Ang sakit nun ha!! Hinahampas ako ng notebook ng bestfriend kong si Sophie.

“Alam mo Soph, kung hindi lang talaga kita bestfriend, matagal na kitang kinasuhan ng physical injury!!! Lagi kang nananakit eh!!!!!!!”

“Eh pano yung mga babae na kasama ni papa Adrian mo?? Hindi mo ba sila kakasuhan?!?! Parang mga linta kung makadikit eh!!!!”

Tiningnan ko na lang ang mga babae sa labas. Lahat sila nakatingin kay Adrian.

Ay, hindi pa pala ako nakapaakilala.  Ako si Ella. Ella Montez, 4th Year High School dito sa Blackwell High. Simple lang ako. Bookworm. Medyo matalino(pa humble effect... pero medyo lang naman talaga!!) Maganda?? Ewan, di ko alam! Basta simple lang talaga ako, yung typical na teenager. May bestfriend na nakakaloka--- Si Sophie, at may isang taong minamahal. Si Adrian dela Vega. Hearthrob. Super gwapo, mayaman at talented pa! Photojournalist siya. Ang ganda ng mga pictures na kinukuha niya!!

“Adrian, kailan ang next contest mo?”

“Kung gusto mo, ako na lang ang gawin mong model!!”

“Adrian, picture tayo!!”

Abot pa dito sa classroom ang tilian ng mga babae sa lobby. Hay......

“Hoy, Ella, wala ka ba talagang gagawin? Ang daming babae oh!!”

“Anu naman ang magagawa ko diyan Soph?? Alangan naman paalisin ko silang lahat eh hindi ko naman boyfriend si Adrian.”

“Hindi mo PA boyfriend. Sabihin mo na kasi sa kanya, mula pa yan first year ha!! At mula first year magkakalse kayo, bakit hindi mo pa nasasabi??  Makakagraduate na tayo, baka hindi mo pa rin masabi sa kanya!!”

Super supportive talaga ang bestfriend ko. Kaya lang, wala akong balak na sabihin kay Adrian ang nararamdaman ko. Hindi namna sa wala akong tiwala sa sarili ko ha. Pero, normal na babae lang naman ako, pano naman yun magkakagusto sakin. Lagi lang naman akong nagbabasa kapag hindi ko kasama si Sophie tapos siya naman laging napapalibutan ng maraming babae!! Hay, asa pa ako na mag kagusto yun sakin noh!!

“Ella!!!! Ayan, pamasok na si Adrian, kausapin mo kaya!!”

“Huh?? A-ayoko k-ko n-nga!!!! At magsisimula na yng clase natin oh!!!”

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na!!!!

“Ella, ma uuna ako ha, may inutos kasi sakin si Mama eh.”

“Sige Soph, ingat ha!!!!”

“Ikaw rin, pero Ella, pagisipan mo naman kung kailan mo sasabihin kay Adrian. Pagsisisihan mo kapag hindi mo nasabi sa kanya!!”

At umalis na si Sophie. Ako naman, niligpit ko na ang mga gamit ko at nagbasa nang libro habang palabas ng classroom.

“Aray!”

May nakabangga akong lalaki at nung tiningnan ko kung sino...

 “A-adrian?? N-naku s-sory ha..... Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko... Ok ka lang ba.”

“Ayos lang ako Ella. Ikaw?? Namumula ka yata???”

“Ah, wala to, cge aalis na ako!!”

Dali dali naman akong lumabas sa kwarto at binilisan ang paglakad ko. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ni Adrian?!?!

Hindi pa ako masyadong malayo sa classroom ng marinig ko na may kinakausap si Adrian.

“Pare, hindi mo pa rin ba siya nililigawan?”  malamang isa to sa mga barkada ni Adrian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Click! One Shot StoryWhere stories live. Discover now