"Wow!"
1 word, 3 letters.. Yan ang kanina ko pang sinasabi pagpasok na pagpasok ko sa bahay nila Dave..
O ano na naman? Di ba nga kapatid ni Dave si Julia? Tapos hinila ako at maglalaro daw kami sa bahay nila. Kaya andito ako.
No other reasons!
Kasi nga ang ganda talaga ng bahay nila! Modern style eh. Aaaaaaastig! =)))
Ayun nga, andito kami sa room ni Julia. At ang ganda ganda dito, sobra! Daig pa yung room ko! Color pink yung kanya. Pang-princess! 6 years old siya at siya ang youngest. E dalawa lang naman sila ni Dave kaya malamang youngest siya. Shunga lang! -_-
Her name is Julia Denise Garcia. Baliktad sa initials ni Dave. DJ kasi si Dave di ba? Aw.. DJ. Tse! Masyado akong observant!
"Ate let's play lutu-lutuan!" Ay kinakausap pala ako ng living doll. :">
"Ah okay. Ako yung cook tapos ikaw customer, game!" Parang naexcite ako. Haha!
"No, ako cook kayo ni kuya customers!" Sabay ngiti niya sa--
HANO DAAAAAAAW?!
Kami ni Dave? Tss. Ayoko makipaglaro dun no tsaka di rin naman makikipaglaro yun samin. -_-
"Wag na Julia. Tayo na lang dalawa maglalaro. Baka busy si kuya mo at di rin naman makikipaglaro satin yun eh. Kala mo kung sino. Ang kj na, ang snob pa! Tss." Totoo naman eh! Napaka niya no! Pero medyo mahina ko ng sinabi yun. Baka may makarinig..
At yun, nagsimula na kaming maglaro. Umorder naman ako kunwari ng spaghetti, fries and burger. Jollibee lang ang peg? =))))
Tapos.. Basta ang cute cute niyang maglaro. Naglaro pa kami ng iba pero ang pinakaayaw ko na sinuggest niya eh..
BAHAY-BAHAYAN.
Okay naman sana kaso ang gusto niyang mangyari e kami ni Dave ang maging nanay at tatay tapos siya daw yung anak? Eto talagang si Julia masyadong pabor sakin.. HAHAHA! Joke lang nam--
"Come here kuya! Let's play!" PATAY. Tinawag ni Julia si Dave?! At.. Pumunta naman 'tong isang 'to? Fotrages! -_-
"A-ah eh.. Kasi.. Ano Julia eh.. Ah.." Nauutal pa niyang sabi.. If I know excited ka lang! MUHAHAHA!
"Uy Dave! E kung pagbigyan na lang natin si Julia? Tutal laro lang naman di ba?" Naks! Lakas ng loob ko ah. Phew! Hirap magpaka-cool..
Nakita kong nagulat naman siya, "Ha? Bakit? Anong trip niyong dalawa?" Suplado nito forever!
"Trip? Wala! Basta maglalaro tayo di ba, Julia?" Sarap mang-asar! HAHAHA.
And the winners are....
JULIA AND ME! =))))
Wala ng nagawa si Dave kundi pumayag at nakipaglaro samin. Wala e, malakas kami este si Julia sa kanya..
Pero mukhang di nakakatulong 'to eh. Ang sungit pa rin! Kay Julia lang ngumingiti. Todo smile na ko sa kanya wala pa rin. Sabi niya pa, "Magluto ka na nga ng matapos na 'to." Kainissssssss!
Tuloy pa rin kami sa paglalaro. Nagluluto ako tapos siya naman iniipitan si Julia, haba kasi ng buhok. HAHAHA! Ang gwapo niya talaga! Di ko na kaya. -_-
Kakainin na dapat namin yung kunwaring niluluto kong spaghetti ng magsalita ulit si Julia.. "Daddy Dave, subuan mo ng spaghetti si Mommy Bianca!"
WHUUUT IZZ THE MEANING IF DIZZZZZ?!
Nahalata ko naman sa mukha ni Dave na ayaw niya kaya nang-asar pa ko! =)))
"Honey, may wish yung anak natin o? Di ba natin siya pagbibigyan?" Pwe! Honey?! Yuck!
Nakita kong nakangiti si Julia pero si Dave..
"M-marami pa pala akong gagawin.." At iniwan niya kami dun ni Julia.. Bigla namang umiyak si Julia dahil gusto pa daw niyang maglaro.. Shockings! Di ko siya mapatahan! Pupuntahan ko na nga lang yung magaling niyang kapatid!!
Sinundan ko si Dave at sinigawan.
"Hoy Dave! Umiiyak na si Julia dun! Simpleng laro lang di ka pa makisama dyan!" Alam kong narinig niya ko pero tumuloy pa rin siya sa paglakad.. Walangyaaaa!
"Hoy Dave! Wag mo nga akong dedmahin dyan! Arte mo!" Kainis siya! Aalis na nga lang ako.. Kawawa naman si Ju--
"Anong sabi mo?" Ha? Nagsalita siya? Chill lang Bianca!
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.. "Sabi ko ang arte mo!" Totoo naman eh! Ang arte niya!
"E sa ayoko ngang maglaro e, lalo na kung ikaw yung kalaro ko!" Ouch ah! Sakit ah..
"Ano bang problema mo ha?" Galit kong sabi.. Big deal masyado sa kanya yung pinagawa ni Julia.. Ang dali lang kaya nun!
"Anong problema ko? Sige sasabihin ko sayo pero sagutin mo muna 'tong tanong ko." Tanong? Ano na naman yun?
"Ano na naman yun? Sige! Sasagutin ko yan! Pakaarte.." Game! Kahit ano pa yan!!
"Bakit mo ko iniwan noon?"
Aray.. Isang malaking ARAY..
------------------------------------------------------------------
Andyan yung picture ni Julia sa side!! Cute ni Lauren! :""""")
YOU ARE READING
Maybe This Time (ON-HOLD)
Teen FictionPaano kung nung nagkita kayo, marami ng nagbago dahil sa mga nangyari? Maging happy ending pa kaya? Wala namang masama kung susubukan di ba? Maybe this time, okay na ang lahat at nasa tama na ang lahat.
