CHAPTER 40 ~ Kiss 'Lang' ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, guys nga pala-"-me

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Napatakip ako sa tenga at ganon din si Quin ng puro sigawan na lang ang narinig namin. Nag dive si Marveige at si Yale sa loob ng tent habang ang mga girls ay nagtago sa likod ng mga asawa nila. Si Wynd, Ice at Andreige naman ipit-ipit sa gitna nila si Cloak at Craige na hindi naman sumigaw pero namumutlang nakatingin samin.

"Shit shit shit!"-wynd

"MOMMA!"-ice

"MULTOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"-andreige

Nakita kong napaatras din sila Tita Bree at Tita Sage na hindi makapaniwala habang nakatingin samin ni Quin. Nilingon ko si Quin at mukhang natatawang naiinis ang itsura niya. Hinawi niya ang mga buhok na nakatabing sa mukha niya.

"M-Mumu!"-ice

"May nabasa akong ganito..yung kapag nilibing mo sa pet cemetery nabubuhay yung nilibing mo. B-Baka dinala siya don ni Hade!"-wynd

Halos sumampa na ang kambal at si Andreige kay Cloak at Craige na naestatwa lang sa kinatatayuan nila. Mukhang nabigla at nasa state of shock din sila ngayon. Bumuka ang mga labi ko par mag explain pero naputol ulit yon ng sumulpot si Tito Greg at Tito Poseidon. Malapit sa kotse ang dinadaanan nila kaya para makalapit kaila Tita Bree kailangan nilang dumaan sa harapan ko.

"Kids, wag kayong masyadong maingay kailangan natin ng katahimikan para kay Quin-"

Napatigil si Tito Poseidon sa sinasabi niya ng makita niya ako, bumaba ang tingin niya kay Quin na iginalaw ang ulo niya at nakipagtitigan kay Tito. She looks like a broken but beautiful doll.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Napatalong pareho si Tito Greg at Tito Poseidon pagkatapos ay nagtatatakbo sila papunta sa mga asawa nila at halos magpakarga narin.

"B-B-B-Breeeeeeeee!"-tito poseidon

"M-Multo....may m-multo!"-tito greg

Napabuntong-hininga ako. Itinulak ko ng bahagya si Quin papasok sa sasakyan at binuksan ko ang pintuan dahilan para magtilian na naman ang mga tao sa likod ko. Binuhat ko si Quin na napansin kong natatawa na sa itsura ng mga agents.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon