CHAPTER 22 ~ Past ~

95.6K 1.6K 44
                                    

CHAPTER 22

QUIN'S POV

Nakasubsob ako sa lamesa na inookupa ko sa 'Craige'. Kanina pa ako nandito mula ng magising ako sa clinic na wala na akong katabi. Maaga daw umalis si Hade para kausapin si Craige. Hindi na naman daw nilalagnat si Hade kaya pinayagan na nung nurse. Kung sabagay..kahit pigilan niya si Hade kung gusto umalis ng taong yon...aalis yon.

Hindi ko pa siya pinupuntahan sa office ni Craige. Dahil alam kong ttawagan niya ako once ready na siya na kausapin ako. Mukang kahit anong iwas ko kasi na pag-usapan ang lahat-lahat...

doon parin mauuwi.

Napalingon ako sa kanan ko...nandoon yung mga original elites ng BHO at ang mga magulang nila Paige. Mukang may mga hang over sila.

"Ang sakit ng ulo ko!"-poseidon

"Pasalamat ka hindi ka nag high blood kung hindi imbis na kape, injection at gamot ang kaharap mo ngayon. Sinabi ng wag kang uminom ng marami."-bree

"Minsan lang naman cupcake, darling, love, cuddly bear, baby doll-"

Ipinasak lang ni Tita Bree sa bibig niya yung pandesal na nasa lamesa. Natawa lang yung iba pa nilang mga kasama sa kakulitan ni Tito Poseidon.

Nabaling yung tingin ko sa harapan ko ng biglang may umupo don. Si Cassandra, may suot siyang malaking shades at mukang maputla siya. Mukang walang tulog.

"Anong nangyari sayo? Hindi ka ba pinatulog ni Andre? tsk tsk those men...so insatiable-"

Tinakpan niya yung bibig ko. Namumula yung muka niya at nagpalingon-lingon siya...wala namang nakarinig nung sinabi ko. Tinanggal na ni Cassandra yung kamay niya.

"That's not what happened. Ano kasi...may sakit si Lawrence. Malay ko ba namang ang hina pala ng immune system ng bagyong lalaking yon. Nahawa kay Hade."

Napatawa ako. Kahit na mukang nag-aala siya halata parin na may kabitteran siyang nafe-feel. Alam ko dahil ganiyan din ako. Siguro kahit ngayon naman ganon parin ako...

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon