3. Don't wanna be alone tonight...

Start from the beginning
                                    

“I am paying you so technically I am your boss and I say, we’re done.”

Naguluhan siya sa sinabi nito. Si Isabelle ang nag-hire sa kanya, ito ang boss niya. Lumabas si Fatima ng pinto. Sinundan niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nag-slide si Fatima sa hawakan ng hagdan pababa. Kinabahan siya, sa haba ng hagdan, paano kung mahulog ito?

“Fatima!” She called out. Talo niya pa ang may alagang five year old na bata. Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan. Again, she asked herself kung bakit niya naisip mag-heels nang araw na iyon. Nakababa na si Fatima, lalo niyang binilisan ang pagbaba at iyon din mismo ang naging dahilan kung bakit siya nahulog. Namali siya ng tapak, natapilok siya, she was so sure that she will fall down, face first on the floor – bigla ay naisip niya ang maganda niyang mukha. Paano kung ma-damage? Paano na ang modeling career niya?

But then, she felt a pair of string hands caught her. Nakapikit pa rin siya, pero alam niya that whoever caught her, he was a strong man – she knew, lalaki ang sumapo sa kanya. Nakapa niya ang braso nito, walang babaeng may muscles sa braso.

She remembered her romance fantasy. She would really like to meet a man like those in the romance novel. Naniniwala talaga siya na may ganoong klase ng lalaki sa totong buhay. Her heart was beating fast. KInakabahan siya. Bigla kasi niyang naisip ang big possibility nab aka ang lalaking nakasapo sa kanya – kung sinuman siya ay ang lalaking hinahanap niya. Hindi na niya iisipin si Jake – she will deal with him later. Ang mahalaga ay ang ngayon.

Slowly, she opened her eyes. Alam niyang mukha siyang tanga but she was really trying hard to be beautiful, iyong tipong peg ni Sleeping beauty noong nagising siya dahil sa kiss ni Prince Charming.

But when her eyes were fully opened, she finally recognized the man holding her. Ganoon na lang ang pamumula ng tainga niya. Agad na lumayo siya dito at saka tinulak ito.

“Ikaw!” He was that guy kaninang umaga. Iyong walang modong pobre na sumagot-sagot sa kanya! “Paano ka nakapasok dito! Ang kapal ng mukha mong pumasok dito!”

Alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. Galit na galit siya dito. Naalala na naman niya ang Armani Dress niya.

“Kung makapagsalita ka, akala mo bahay mo ito.” Sabi nito sa kanya. She felt insulted.

“Wala ka ba talagang breeding?” Tinaasan niya ito ng kilay.

“Tinulungan kita, hindi ka nagpasalamat. Sinong walang breeding ngayon?” Nakangising sagot nito sa kanya. Napapadyak siya. This man is so getting on her nerves!

“Ipapaalala ko lang sa’yo. Sinira mo ang damit ko, mahal iyon, so kung sasabihin mong kailangan kong magpasalamat sa’yo dahil ang sa sinalo mo ako nang mahulog ako sa hagdan, pwes! Managinip ka!”

Tinitigan siya ng pobre. Bigla siyang naging uncomfortable. There was something different with the way she looks at her. Those mysterious pair of dark eyes seemed to have the power to see her soul. The man in front of her was – alright – he was good looking. A hottie, you know, lean body, chiseled chest, broad shoulders, perfect tan, those five o’clock shadow on his face, crooked nose, and perfect white teeth – actually hindi siya mukhang pobre. Kung tutuusin pwedeng pumasang underwear model ang lalaki sa harap niya.

“Stop staring at me.” Sabi niya, pero tila wala itong narinig. “Sabi ko huwag mo akong titigan! Tinagalog ko na para mas maintindihan mo, pobre ka!”

“Ang sama ng ugali mo.” Walang kaabog-abog na sabi nito. Napanganga siya.

“Daisy!” Sigaw niya sa pangalan ng assistant ni Doña Isabelle. Agad naman itong lumabas mula sa kung saan.

Taking ChancesWhere stories live. Discover now