PROLOGUE

4.8K 124 6
                                    

Magandang araw sa'yo! Ako nga pala si Jose Marie B. Viceral pero pwede mo na lang din akong tawaging "Vice" para hindi masyadong mahaba. Ako ang pinakabatang miyembro ng pamilya Viceral. Mayaman kami, oo. Ang pamilya naming halos ang nagpapatakbo ng buong Sitio Pulang Lupa. May mga magsasaka sa ekta-ektaryang bukid na pagmamay-ari namin at marami ang nagtatrabaho para sa amin. Malayo kasi ang siyudad sa lugar namin kaya parang isang bukod na lugar ito. Masaya dito sa Sitio Pulang Lupa. Sobra!

Gayun pa man, nananatili akong mapagkumbaba. Ayokong maging mataas masyado ang tingin sa akin ng mga kababayan namin. Nakikipaglaro ako sa mga bata sa bukid, tumutulong minsan sa palengke, at pag wala ang aking ama, tumutulong ako sa pagsasaka.

Nandito ako ngayon sa--- Ano yun? May kumaluskos sa taas... Anyway, nandito ako ngayon sa bahay. Naranasan nyo na bang maglakad sa garden ng tirahan nyo pero pakiramdam mo parang may nanonood sa'yo? O kaya naman habang naglalakad ka sa hallway, parang may sumusunod sa'yo? At katulad ng nangyari kanina, may biglang kung anu-anong tunog ang manggagaling sa kung saan? May kaluskos, may bumukas na pintuan, may naglalakad, at kung anu-ano pa.

Basta. Marami akong tanong sa utak ko at hindi ko alam kung saan at kanino magtatanong. Hindi ko rin naman alam kung paano ako magsisimula sa paghahanap ng mga sagot. Kaya tunghayan nyo ang kwentong ito at samahan nyo ako dito sa Sitio Pulang Lupa.

-----------------------------------------------------------------

A/N: So this is a new story. Patapos na kasi ang Blank Space kaya may panibago na. Can you guess what genre this one is? And paano kaya mapapasok sa istorya si Karylle? Paano magiging ViceRylle ito? ABANGAN...

P.S. KATHANG ISIP lang po ito. Hindi ko alam kung may Sitio Pulang Lupa talaga in real life. Basta naiimagine ko ang Sitio Pulang Lupa sa story na 'to as parang probinsyang probinsya. Liblib, mapuno, at may mountain range na nakapalibot sa lugar. Simple lang ang buhay. 

Tweet/Follow me: vicerylleland


Sitio Pulang Lupa (ViceRylle A/U story)Where stories live. Discover now