AN: Thanks for the votes, reads, comments and reviews. You really made my day. At dahil diyan, super akong natutuwa't sinisipag mag update. Keep it up. :))
And dahil birthday ko kahapon, here's the UD. Enjoy reading. :*
Felicity's POV
"Cousy. May impakto sa labas." sabi ni Trisha pagpasok sa kwarto ko.
"Huh? Impakto who? Maraming impaktong nageexists sa Earth tandaan mo yan." sabi ko. Tsaka wait. Sinong impakto nga ba?
"Eh naman eh! Si Jacob kako, nandyan sa sala. Hinhintay ka." bigla naman akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa harap ng computer.
"Whuutdah! Impakto nga! Ano ginagawa ng walanghiyang yun dito?!" sigaw na tanong ko.
"Malay ko. Pinapasok nila Manang eh. Nagpakilala ba namang boyfriend mo."
"Ay hayop yun ah! Kapal ng mukha leche! O sige wait lang cousy. Sunod na ko." sabi ko. Anak ng pitong puting tupa naman kasi! Gosh, he really pissing me off.
Pagkalabas niya ng pinto, nag-ayos muna ako saglit para maging presantable ang itsura ko sa hunghang na yun. Pampabitter lang.
Kahit na alam na nating lahat na napakaganda ko na. Hahahaha.
Then after that, bumaba na ko.
Nakita kong prenteng prenteng nakaupo siya sa aking sofa.. Grabe, ang kapal talaga. Wala na kong masabi sa sobrang WOW.
Tsk. Mapalitan ko na nga yan. Mahawa pa ko sa bacteriang iniwan niya diyan.
Nang makita niya kong pababa ng hagdan, tumayo siya't nginitian ako.
Bat ganun, namimiss ko siya? May part sakin na gusto ko siyang yakapin? Tanungin ng mga bagay bagay.
Kung bakit niya ko niloko.
Pero shempre, di na ko tanga. So why bother pa diba?
"Good afternoon Felicity." bati niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Walang good sa afternoon kaya tumahimik ka diyan. And wait, anong kailangan ng hampaslupang panget na kagaya mo sa napakagandang nilalang na tulad ko?" pagtataray ko. Nakakaurat kasi, bakit ba laging nakangiti toh?
Kahit nilalait ko na, smile parin siya.
May sayad kaya toh? Tsk tsk.
"Namiss lang kasi kita." sabi niya.
Anu bang problema niya?! Gin*go g*go niya ko dati, tapos ganyan siya ngayon.
Trip ba ko ng Jacob na to? Or man's ego ang issue dito? Tch.
"Ah okay. Nakita mo na ako kaya makakalayas ka na sa pamamahay ko. At next time na magtangka ka pang pumunta dito, wag kang magpakilala't magfeeling na boyfriend ko. Or better wala nang next time. Kapal kasi ng kalyo mo sa mukha mo na mukhang paa. Kbye." sabi ko.
Kaso, nawala yung mga ngiti niya. Bigla siyang lumungkot.
No! Wag kang maawa or maguilty sa lalaking yan. Serves him right! Manloloko yan tandaan mo.
Babalik na sana ako sa kwarto ko ng bigla niyang hinawakan yung wrist.
"Wait. Anu kasi. Gusto sana kitang makausap." sabi niya.
"Ako ayoko. Busy ako wag kang magulo." sagot ko naman.
"Feli----"
"Hoy bitawan mo nga Babe ko. Tsk. Panget." nagulat naman kami ng biglang may nagsalita, kaya napatingin kami sa pinanggalingan ng boses.
Si Fajardo pala.
Anu din ang ginagawa nito dito?
Kaburaot, dalawang hayop ang nasa pamamahay ko. Sakit sa ulo.
Tumingin si Jacob Impakto kay Fajardong Unggoy "HUH?"
"Sabi ko ang panget mo. Description ng mukha't ugali mo di mo alam?" sabi ni Fajardo na may tono ng pang-aasar.
Di na lang pinansin ni Jacob si Fajardo't tumingin ulit sakin habang hawak hawak parin yung wrist ko.
"Felicity, let's talk privately." sabi nito.
Nagulat kami ng biglang pumagitna si Monks at hinila yung kamay ko.
"Dirty hands. Tsk." pokerface niyang sabi.
"Anung bang problema mo pre?" sigaw ni Jacob.
"Bad breath pa. Tsk. Ex mo ba talaga yang? Panget ng taste mo." sabi ni Monks.
Yabang nento. Pero grabe, di bad breath si Jacob ah. Sira lang talaga tuktok nitong unggoy na to.
"Ay oh? Ex pala kita? Tanga ko pala noh? Haynako, lumayas ka na nga Jacob." sabi ko. Kanina pa pinapaalis ayaw namang umalis. Tsk.
"But---"
"No buts. Alis ka na nga daw diba? Di ka welcome dito sa bahay ni baboy my loves." sabi naman ni Fajardo.
"Baboy?" maang na tanong ni Jacob.
Abnui talaga tong Monkey na to! Grr.
"Isa ka pa. Sinong may sabing welcome ka rin dito. Lumayas ka rin." sigaw ko kay Fajardo. Epal talaga.
Sinamaaan niya ko ng tingin then nakita ko namang nag-smirk si Jacob sa kanya.
"Anong ngini-ngisi ngisi mo diyan? Diba sabi ko umalis ka na. Umalis na nga kayong dalawa!"
''Eh miss na kita eh." Monks.
"Heh! Manahimik ka diyan." Jacob.
"Oh? Tapos? Bibigti ka na?" Monks.
"Hindi. Ikaw ibibitin ko patiwarik." Jacob.
"Tatanggalan naman kita ulo." Monks.
"Shabu pa?" Jacob.
"No thanks. Laklakin mo na lang stocks mo ng rugby." Monks.
Ako'y di na makakapagpigil pa.
"Shut up both of you! Anong pagpapalayas gusto niyo? Kakaladkarin o sisipain ko kayo palabas?! Mayghaaad! Pinapainit niyo ng bongga ulo ko! Urgh!"
"Ganyan ka ba talaga sa bisita mo? Psh." inis na tanong ni Monks.
"Hindi. Di ko naman kayo bisita. Mga bwisita kayo. Wanna know the difference?"
"Spelling" pokerface na sagot ni Monks.
"Uh, pronunciation?" sagot naman ni Jacob habang nag-kakamot ng batok.
"LAYAAAAAAAAS!"
