Lorenzo's POV
“ANG GANDA ng hotel na ito, di’ba?”
“Yeah. Very elegant and from what I’ve heard bigatin daw ang may-ari ng hotel na ito. The family that owns this place has a lot of other businesses not only in the Philippines but also to other countries globally. At ang nagpapalakad daw ng mga negosyong ito ay ang nag iisang anak nila na graduate ng Harvard at Summa Cumlaude pa daw. Grabe talaga.”
“This place is so majestic. Very sophisticated and grand.”
Ito ang mga nadinig ni Lorenzo na usap-usapan ng kanyang mga batchmates noong highschool habang nasa reunion nila. Maganda nga ang lugar – elegante ito at mukhang mamahalin ang mga gamit – pero dahil sanay sa mga ganitong bagay ay pinabayaan na niya iyon.
“Oh my gosh! Lorenzo is that you?” tanong sa kanya ni Marielle.
“The one and only. Parang hindi tayo nagkita last year ah.” Biro niya dito.
“Well we did. It just that… God! You looked more handsome.” Nakangising sabi nito.
“Ikaw talaga, palabiro ka parin.”
“Ganyan talaga ang mga magaganda.” Tugon nito. “By the way, I want to invite you on my wedding this Saturday. Here’s the invitation.” Sabay abot sa kanya ng putting sobre.
“Wow! Congratulations! Mabuti na man at nakakita ka na ng mapapangasawa. Di ka na rin naman bumabata di’ba?”
Natawa ito. “Look who’s talking? Ikaw talaga puro kalokohan. You should be the one to get married because you’re not getting any younger too. Baka maubusan ka ng magaganda diyan.”
“Ako? Mauubusan, hindi no? at di pa ako sawa sa pagiging binata ko.”
“Really? Baka naman may hinihintay?” singit ni Rocky sa usapan nila.
“Ewan ko sa’yo.” Tiningnan niya ang invitation at nakita niya ang pangalan ni Rodin bilang maid of honor. “Pupunta dito si Rodin?”
“Actually andito na siya ayaw niya lang dumalo sa reunion kahit sinabihan ko na. Ayaw pa talagang magpakita sa madla eh.”
Nadinig ata nila Charry ang usapan nila ni Marielle dahil narinig niya itong nagsalita.
“Baka ayaw magpakita dahil ganoon pa rin siya o lumalala ang katabaan niya.”
“Oo nga. Baka nga mas mukha na siyang geek na baboy ngayon.” Dugtong ni Ella.
“Well ano pa ba ang bago. Kaya nga ayaw magpakita sa madla ay dahil hiyang-hiya na siya sa hitsura niya.” tugon naman ni Yena. Sabay-sabay pang tumawa ang tatlo. Nangunot naman ang noo ni Marielle. Parang gusto nitong sugurin ang tatlo sa hitsura nito ngayon.
“Kung nakita niyo lang ang hitsura ngayon ni Rodin baka mapahiya kayo sa pinagsasabi niyo. Baka nga lunukin niyo ng wala sa oras ang mga pinagsasabi niyo.” Pabulong-bulong na sabi ni Marielle.
Gusto niya sana itong tanungin kung ano ang ibig nitong sabihin nang biglang lumiwanag ang mukha nito habang nakatingin sa likuran niya.
“Roan Deana!” sigaw nito. Sinundan niya ang tingin nito dahil sa binanggit nitong pangalan. Wala siyang ibang nakita doon kundi ang matangkad na magandang babae na nakakunot ang noo na may kausap na babae. Lumapit si Marielle dito. “Akala ko ba hindi ka dadalo sa reunion?”
“Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, Yell. Nag-iikot ako dahil gusto kong malaman kung paano sila mag-operate dito. At ano ba ang masama kung andito ako, eh ako naman ang may-ari nitong hotel kaya may karapatan akong magpakalat-kalat dito. At saka di ko alam na dito hine-held ang reunion.” Sagot ng magandang babae na tinawag nito sa pangalan ni Rodin. “And I told you not to call me in my real name. It pisses me off, remember?”
