First story ko po ito sana po magustuhan ninyo!! Based po ito sa aking real life. Sana po suportahan nyo ang story ko.
______________________________________________
Faith's POV
Hello Readers!! ako nga pala si Faith Salcedo, sabi nila mabait, matalino at maaasahan daw ako sa mga kaibigan di naman kapangitan at di naman kagandahan di kasi ako palaayos. 13 y/o pa lang po ako at hangarin ang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang aking crush.:))))) Syempre echos lang yun. Napaka-impossible naman kasing pansinin nya ang tulad ko. :(
Back to reality. Kasalukuyan kaming nanunuod ng Basketball ngayon kasama ang isa sa mga BFF na si Alexisse mas matanda ako ng isang taon sa kanya, maganda sya, morena, fashionista at palaayos sa sarili at mahilig din syang mamicture sa sarili oras-oras ata eh pinipicturan nya yung sarili nya. -_-
Laban pala ngayon ng crusk kong si Gabriel sa kapatid kong si John. kung iniisip nyo eh nagkagusto ako sa mas bata sa akin eh nagkakamali kayo. magka-age lang kami ni Gabriel at ang kapatid ko namang si John eh 2 taon lang ang agwat sa akin kaya wag na kayong magtaka kung magkalaban sila.
"Faith, si Gabriel yung humahawak ng bola ngayon oh!"-sabi ni Alexisse.
Syempre ako tingin agad sa direksyon nya hindi pwedeng palampasin ang bawat sandaling nakikita ko sya... Chos lang. nagdi-drible na si Gabriel ng may biglang tumabi sa aking lalaki di ko sya kilala kaya tiningnan ko na lang si Gabriel. Shinoot nya na yung bola pero di na shoot ano ba yan pero syempre okay lang sakin. hihihihi :'>
"Ano ba yan, di man lang maka-shoot yung crush mo."-sabi ni Alexisse with pailing-iling effect pa.
"Tss"
Natapos na ang game syempre ang nanalo yung team ng crush ko! Ang galing talaga nila. mas supportive pa ako sa crush ko kesa sa kapatid ko eh noh. hahaha!! pagbigyan nyo na minsan lang to!
Napagpasyahan namin ni Alexisse na umuwi muna ng bahay para magretouch daw, hay nako! kahit kailan talaga itong bestie ko. kaya ayun pumunta na kami sa bahay, pagkadating namin doon ito kami, namulbos, nagsuklay, nagtali at nagpalit ng damit. kailangang maayos ako kasi baka makita ako ni crush na pawisin nako mahirap na babalik kasi kami mamaya sa court dahil manunuod pa kami ng laban ng kuya ni Gabriel, gwapo, maputi at magaling magbasketball di tulad ni Gabriel pero syempre kay Gab parin ako noh. kahit di sya marunong mag-BB Sya parin ang MVP ng buhay ko, Charot lang. tama na ang kacornyhan!
"Ang fresh ng pakiramdam!"-sabi ni alexisse habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Alam ko, feel ko rin kaya"-sabi ko kay alexisse, mambara pala akong tao, kkaya wag nyo kong babarahin. de joke lang syempre love ko kayo readers!!
Pagkatapos ng aming ka-echosan eh pumunta na kami sa court, nakita ko na yung kuya ni Gabriel no.5 yung jersey no. nya. Hinahanap ko si Gabriel, shoot ayun sya oh. kalandian na naman si kulot. di ko alam yung pangalan eh kaya kulot tawag ko sa kanya kulot kasi yung buhok nya kaya ganun. Nakakaechos naman may pa-apir-apir effect pa sila! Che! nakakabadtrip sila!! KUNG MAGLALANDIAN KAYO PWEDE WAG SA NAKIKITA KO. Eh ano naman kasing dahilan para magalit ako eh ni-makausap sya di ko magawa. Tama po kayo ng basa, di ko sya nakakausap hanggang tingin na lang kami. From my peripheral vision kitang-kita kong nagtatawan sila. nakakabadtrip!! amputek.. nanuod na lang ako ng basketball, pero di ko talaga napigilan eh aksidente akong napatingin sa gawi nila at SHOOOOOOOTT!!!
Nakakatingin din sakin si Gabriel, di ko alam kung ilang segundo na kaming nagkakatinginan.
5 seconds...
YOU ARE READING
Crush Kita ♥
Teen FictionNoon, pagsinabing crush usually ang ibig sabihin nito ay "Paghanga" lang pero paano kapag ikaw ay nabilang na sa Teenage life, hanggang sa paghanga na lang ba magaganap ang tinatawag ng karamihan na "Crush" o dahil sa salitang ito may mabubuong "Lov...
