Before I Let You Go (one-shot)

28 3 1
                                        

Naaalala mo pa ba...

Noong naglalakad tayo ng naka-paa. Kasi naputol yung tsinelas ko nun at sabi mo 'di mo 'ko hahayaang mag-mukhang tanga mag-isa. Tinatawanan tayo ng taong nakaka-kita sa'tin pero wala kang pake basta ang sabi mo ay tayo'y masaya. Miss na miss na kita...

Naaalala mo pa ba...

Kakauwi lang natin no'n galing eskwela, dumiretso tayo sa karinderya ni Aling Emelda. Paunahan pa nga tayo ubusin ang isang plato ng lugaw na sobrang anghang. Miss na miss na kita...

Naaalala mo pa ba...

Nung pumunta ka sa bahay namin para itanong kung may takdang-aralin, lumiban ka no'n sa klase dahil ikaw ay sakitin. Sumalubong sayo no'n si papa at ang sabi mo sa'kin ay natatakot ka sa kaniya. Halos di ka nga makagalaw kapag tumitingin siya. Hayy, nakakatuwa. Miss na miss na kita...

Naaalala mo pa ba...

Nung hinila mo 'ko bigla papuntang parke ng eskwelahan. Nakatingin sa atin ang lahat ng makasalubong nating estudyante at tila nagtataka pero wala kang pake. Inamin mo sa akin no'n na mahal mo na 'ko. Sobrang saya ko pero 'di ko pinahalata dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ang sabi mo pa nga nun ay maghihintay ka. Miss na miss na kita...

Naaalala mo pa ba...

No'ng tinataboy nila ako, ang sabi pa nila sa'kin ay wala akong respeto. Niyakap mo 'ko no'n buong mag-hapon at nakinig sa sama ng loob ko. Sabi mo 'ipaglalaban kita sa kanila', at doon lang gumaan ang loob ko. Mahal na mahal kita...

Naaalala mo pa ba...

No'ng sinabi ko sayong iiwan na kita pero imbis na magalit ka ay niyakap mo 'ko ng mahigpit. Gusto kang itulak ng mga kamay ko pero ayaw ng puso't isip ko. Sabi mo no'n di mo 'ko iiwan, na baka tinotoyo lang ako kaya pina-uwi mo muna na 'ko para magpahinga. Sobrang saya ko no'n kasi di mo pala ko kayang mawala. Mahal na mahal kita..

Naaalala mo pa ba...

No'ng una nating pagkikita. Papasok na sana ako sa banyo nang bigla mo 'kong mabangga. Tinarayan kita no'n pero ngitian mo lang ako ng nakakaloko, sabi mo nga sa'kin ay ang ganda ko kapag masungit ako, palihim akong napangiti no'n. Paalam na...

Bumubuhos ang luha ko habang inaaalala ang mga panahong magkasama tayong dalawa. Ikaw lang ang nagpasaya sa'kin ng higit pa sa sobra. Pinadama mo sa'kin na hindi mahalaga ang edad at katayuan ng buhay. Pina-intindi mo sa'kin na pagdating sa pagmamahal, walang mali at tama.

Tama ka nga, tama para sa'ting dalawa pero mali sa paningin nila. Tinaboy nila ako ngunit dinamayan mo 'ko. Ang init ng yakap mo na para bang sinasabing ligtas ako... na walang pwedeng manakit sa'kin ngunit 'di ko na muling madarama...

Itinutok ko ng mariin ang baril sa ulo ko. Ito na lang siguro ang tamang solusyon. Naka-uniporme pa ako ng pang-guro na wari'y ko'y mababahidan na rin ng sarili kong dugo mamaya, katulad ng nag-iisang taong pinaka-mamahal ko na naka-bulagta na sa harap ko ngayon at suot parin ang puting unipormeng pang-estudyante. Napangiti ako... Naaalala ko kasi ang pilyo mong itsura habang nakikipag-lokohan ka sa klasmeyt mo. 'Di na nila muling masisilayan ang maaliwalas mong itsura... Patawad.

Muli kong tinitigan ang mukha mo na payapang naka-pikit habang tuloy-tuloy ang dugo na umaagos sa kaliwang parte ng ulo mo. Napatawa ako ng marahan habang nakatutok pa rin ang baril sa ulo ko. Hindi ka pa patay diba? Pinatulog lang kita, matutulog tayo. Tapos pagkagising na'tin, muli kong malalasap ang init ng iyong yakap. Tama! Muli akong pumikit at handa nang iputok ang baril.

Magpahinga muna tayo aking mahal, sa pakiwari'y ko'y pagod ka na. Baka bukas ay matatanggap na nila tayong dalawa, bukas pwede na nating ipagsigawan na mahal na mahal natin ang isa't-isa. Sa pagtulog natin ay di na tayo muling mahihirapan pa. Hanggang sa muli, paalam...

-x-x-

(A/N)

Any violent reaction?
Hihihi. Salamat sa nagbasa at magbabasa pa lang :D Hop'ya like it guys ;) Maiyak kayo please XD Thankyou talaga.<3

-Mikayayay_21°°°

Before I Let You Go (one-shot)Where stories live. Discover now