Chapter 12

42 2 0
                                        

Ang tagal kong hindi nagupdate! I know...hahaha, that's why Im sorry guys!

I want to dedicate this chapter to @hiccupsoloud! wala lang, trip ko lang idedicate to sa kanya...haha...

Sana magustuhan nyo po! Thank You sa mga iilang tao na nagbabasa,..haha

__________________________________________________________________________

Scarlet's  POV

Nakakamiss talaga yung ganitong gawain namin. Yung tatambay lang kami dito sa Starbucks Morato. Uupo, magtatawanan, magkwekwentuhan, maglolokohan, iinom ng kape, magyoyosi. Simleng bagay pero masaya na kami. Lalo na ngayon masaya talaga ako, at katext ko si Brent! :)

Brent: Hi Princess :)

Ako: Hello... :) 

Brent: Ang tipid naman magreply ng Prinsesa ko... anong ginagawa mo? :)

Ako: nandito kami sa Starbucks Morato, tambay lang at kwentuhan... :)

Brent: Wow ayos yan ah? :) baka naman nakakaabala ako sa pagtambay nyo.

Ako: Ano ka ba? ang arte mo ha, hindi ka naman abala :)

Brent: Nagtatanong lang naman, syempre ayos kitang istorbohin... :)

After 5 mins...

Brent: Busy ka na ata... txt na lang kita later princess... <3

Ako: haha, sorry at napasarap ang kwentuhan :)

Brent: Ok lang syempre... :) nga pala pwede ba tayong magkita sa Friday? please? :)

Ako: Ah san ba?

Brent: Sa Jam Station na lang? :) kakanta kasi kami, baka pwede kang manuod ulit. :)

Ako: cge cge... :) ayain ko na lang din sila Danica, Candice at Yannie...

Brent: Thank you thank you Princess! 

"Aray!" Sabi ko, Paano naman kasi, bigla bigla na lang akong hinampas ni Danica sa braso ko. Ang saki lang!

"Ayun naman pala, magsasalita ka din pala, kanina ka pa namin kinakausap! Puro ka cellphone, at para kang baliw na nakangiti dyan mag-isa!" Sabi ni Danica! Ganun na ba talaga ko? Hindi ko sila pinansin? Haha, masyado akong nalilibang kay Brent!

"Haha, sorry sorry naman, ano na nga yung sinasabi nyo?" 

"Tinatanong ko kung sino ba yang katxt mo at abot langit ang ngiti mo!" Nakangiting sabi ni Yannie.

"Si Brent :)" Maikling sagot ko sa kanila pero hindi ko pa din mapigilang mapangiti kapag binabanggit ko ang pangalan niya! Ang landi ko lang!

"ANG LANDI MO!" Sabi nilang tatlo? Ayan na naman sila, nagiging choir na naman ang mga loko.

So ayun, hindi ko na muna nireplyan si Brent. Mamaya na lang siguro pag uwi na kami. Ayoko na kasing mahampas ulit ni Danica, dahil feeling ko, isa pang hampas niya ay magkakapasa na yung braso ko. Hahaha, Brutalan lang ang drama dito!

Nagpatuloy lang kami sa pagchichikahan. At syempre sumabay na ko sa daldalan. Hanggang sa nagkaayaan na kaming umuwi at madaling araw na din. Hindi na kami nahirapan pumara ng taxi this time, dahil may pila naman ng taxi dun. 

Sumakay na kami sa taxi at natahimik na ang lahat. Dahil siguro madaling araw na, pagod at antok pa. Napipikit na kaming lahat ng biglang magising ang diwa namin.

"RILES! BLUE BLUE!" Biglang Sigaw ni Danica sa loob ng taxi, na napansin kong ikinagulat ng driver, at siguro kayo din. :) ganito kasi yan.

Kapag dadaan ka daw kasi sa riles, kelangan mong itaas ang dalawang paa mo, at humawak ka sa kahit anong bagay na color blue, at magwiwish ka! Sounds weird pero kahit mukang tanga na, lagi naming ginagawa to. Lalo na kapag may exam kami, talagang dadaan pa kami dito para lang magwish.!haha, so ngayon alam nyo na, itry nyo para malaman nyo kung effective! :)

Finding what they called LOVEWhere stories live. Discover now