Di Ko Inakala

31 3 0
                                        

Princess' POV



Hayy nako! Monday nanaman! Nakakawalang ganang pumasok, sino ba naman gaganahan? Kung malaman mong yung crush mo may gustong iba? Tss. Eto pa ha! Sakin niya mismo sinasabi, paano naging close din kame kahit papaano e.



Ayan tuloy tuwing makikita ata akong naka online sa facebook china-chat na niya ako agad. Ganern? Kailangan ipamukha talaga sakin na may IBA siyang gusto? ANG SAKIT.



Adik lang eh no? Hindi man tungkol sa pag-aaral inaatupag ko. SIYEMPRE hindi ganun yon, kahit naman may crush ako, hindi ko pa rin naman nakakalimutang i-prioritize ang aking pag-aaral na susi sa aking kinabukasan XD orayt.



"Good morning, Cess!" - bati ng crush ko. Cess ang tawag niya saken, tamad naman niya di na lang Princess haha, feeling ko nun prinsesa niya ako LOL.



"Good morning." - masaya naman ako na binabati niya ako tuwing umaga, kaya lang naisip ko nanaman yung crush niya, KAINIS! Sino ba yung babaeng yon? Murderin ko na wahaha. Kitang-kita naman kasi sa mukha niya na sorbrang saya niya ngayon.



Siguro nakasabay niya sa jeep, or papasok or whatever wala akong pake. Na-huhurt ako. Tch. Dapat ako e! Ako dahilan ng mga ngiti niyang iyan. Sarap naman siguro nun sa feeling hayst.



Pumunta na lang ako sa lugar ko at nagmukmok HAHAHA hiniga ko ang ulo ko sa aking arm chair. Inaantok ako e. LOL. Stress nga kasi ako sa crush ko.



"Guys! Wala daw si ma'am, kaya free time!" - sigaw nung president namen, hiyawan naman ang mga kaklase ko. Ako? Wala, iniisip pa rin sino nga ba yung gusto ng crush ko.



At dahil wala nga daw teacher naisipan kong magpatugtog na lang, kaya naman kinuha ko na ang earphones ko. Isasaksak ko pa lang sa ipod ko yung earphones ng magsalita si Earl.



"Share tayo pleeeassee!" - sabi niya na nagpapa-cute pa. Tinignan ko lang siya ng blanko. "Hayst, di talaga effective mga charms ko sayo." - dagdag niya saka umupo sa tabi ko. Oo nga pala, hindi siya yung crush ko. Yung crush ko ay si Alexis, siya yung bumati sakin kanina.



"Share tayo ha?" - pangungulit niya. Hinarap ko siya.



"Wala ka bang sayo?" - sabi ko, magsesenti sana ako, paano umuulan pa. ODIBA. Perfect! All I need is a slow music na lang and stare outside the window oha!



"Nakalimutan ko yung akin e. Hehe, sige na! Ngayon lang e." - sabi niya.



"Oo na." - sabi ko at binigay ko yung isa. Tsss. Gusto ko talagang solohin. Hiniga ko nanaman yung ulo ko sa arm chair.

One ShotsWhere stories live. Discover now