I'm with you
September 2015
by: @jhiyenisha
Ang kwentong ito ay hango sa imahinasyon ng may akda kung may pangalan, pangyayari na kahintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng may akda.
Ps: No to plagirism
@jhieyenisha
A Short Story
I'm with you
Ako si Anastacia Sanchez 21 years old isang simpleng empleyado sa isang food manufacturing dalawang taon na akong nagtatrabaho dito at nasanay na akong sa naging schedule ko pang umaga man o panggabi ay ayos lang nagboboard ako malapit sa aking pinagtatrabahuhan subalit may pangyayaring hind inaaasahan kay napagpasyahan kong mag uwian na lang. Noong una ay sobra akong nahirapan kailangan kong gumising ng maaga para hindi ako late halos isang oras din kasi ang byahe ko minsan dalawang oras kasama na don ang paghiintay ng masasakyan palabas ng subdivision namin isang sakay ulit papuntang terminal ng tricycle patungo sa mismong planta na aking pinatatrabahuhan. Sa loob ng isang taon kong uwian ay nasanay na ako sa ganung set up tuwing pang umaga ako ay aalis ako sa bahay ng alas kwatro at makakauwi ako sa bahay ng mga alas otso ng gabi pero kapag sobrang traffic minsan alas nuebe na.
Tuwing umaga mabilis lang akong nakakasakay ahil may mga tricycle na palabas ng ganung oras pero tuwing gabi mahirap dahil yung tinitirahan kasi namin iba ang ruta pwede naman doon ako mismo bumaba sa tapat ng bahay namin kung may kasabay din akong taga doon pero kapag wala special 40 pesos eh kuripot ako kaya nilalakad ko na lang sayang din kasi sampung piso lang naman ang pamasahe hanggang sa kanto malapit sa street namin pambaon din ng kapatid ko yung 30 pesos kaya nagtityaga akog lakadin kahit may kalayuan ng konti may mga poste naman kaso minsan hindi binubuhay o yung iba ay wala talaga. Sa pag aalala ng nanay ko noong una ay sinusundo ako ng kapatid ko sa kanto pero noong nagtagal at nasanay na ako hindi na ako nagpapasundo abala din kais sa mga kapatid ko.
Aaminin ko na kada dadaan ako doon sa street namin sa lugar na madilim kadalasan at walang bahay ay natatakot ako pero nialakasan ko nalang ang aking loob. kapag nakakauwi ako ng ligtas ay napakalaki ng akiing ngiti dahail sa makikita ko pa ulit ang aking pamilya. Isa lang naman ang dahian ko kaya nagpasya akng mag uwian dahil ayoko ng maranasan ko ang isang mapait na pangyayari sa aking buhay.
Last year nagboboard pa ako malapit sa working place ko kahit medyo malate ko ng gising ay ayos lang. Ngunit nangyari ang hindi inaasahan, nasa trabaho ako at halos mag aanim na buwan din akong hindi nakakauwi samin dahil madalas ay wala naman akong day off kung meron man ay nasa boaring house lang ako at naglalaba hindi ako nauwi dahil kulang ang oras. Gaya ng sabi ko may hindi ako inaasahang pangyayari kakaregular ko lang noon at sobrang saya ko kaya napagpasyahan kong umuwi samin para sopresahin ang pamilya ko. Pero ako ang nasopresa pag uwi ko nakita ko na lang ang kapatid ko na umiyak sa labas ng bahay namin madaming tao at halos lahat sila ay abala ng makapasok unti unti akong pumasok sa loob ng bahay namin at ang sumasalubong sa akin ay hikbi ng mga taong nakapaligid ng tuluyan akong makapasok ng bahay ay doon ko lang lubusang naiintidihan ang lahat nakita ko si nanay na humahagulgol at inaasikaso ng aming mga kamag anak at sa harap niya ay isang puting kahon na kung saan doon nakahiga at natutulog ang aking ama. Umuwi ako samin para sorpresahin ang pamilya ko dahil naging regular na ako sa trabaho pero heto at ako ang nasopresa nadatnan kong wala ng buhay ang aking ama ni hindi ko man lang siya nayakap, nahalikan at nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal kaya pala ganun na lamang ang pangungulit niya sakin noong nakaraan na umuwi pero mas inuna ko pa ang akng trabaho at isipin ang oras, pera na masasayang kapag umuwi ako mas malaki pala ang nasayang ko. Simula ng mangyari ang pagkamatay ni tatay nangako ako sa sarili ko na kahit anong pagod ko sa magiging pagbyahe ko ay mag uuian ako dahil ayoko ng maranasan na hindi sila makita at makasama tiniis ko ang pagod para lgi ko na silang kasama.
YOU ARE READING
I'm with you
Short StoryIniwan ka man, ngunit hindi pa rin siya mawawala sa iyong tabi.
