Chapter13
**A Mother’s Day Special** (part2)
*Mamay’s POV*
“wala pa din nga eh, kanina pa ako nag aalala. Hindi ko naman sya matatawagan dahil wala naming cellphone yon. Tinwagan ko na si Yong pero hindi rind aw nya alam kung nasaan..”
Ditto na ako kinabahan ng sobra. Sa sobrang panic ko muntik pa akong makabasag ng paso ng halaman. Agad naman akong inalalayan ni Beth, “wag kang mag alala Kim, walang masamang mangyayari sa mga bata, mamaya din uuwi din sila. Umupo ka muna, huminahon ka..” inupo nya ako sa gilid na katabi kong upuan. Sandali nya akong iniwan para kumuha ng tubig, “oh ito uminom ka muna..”pagkaabot sakin.
Ininom ko naman. “kinakabahan ako Beth, ngayon lang kasi nya ginawa to eh, madalas tumatawag muna sya sakin.”
“wag ka ng mag alala, baka may nangyari lang na biglaan, o di kaya may dinaanan lang sila ni Patrick kaya sila natagalan..” pag alo nya sakin.
Pero kahit na anong pag alo nya hindi ko na talaga mapigilang mag alala lalo na ngayon e inabot na kami ng hating gabi kaka antay sa dalawa. 11:56 na gabi pero hindi pa rin sila umuuwi.
“Beth hindi na ako mapakali kailangan ko na talagang ireport to sa baranggay baka may nangyari ng masama sa mga bata..”nanginginig na ako non sa takot.
Sinong inang hindi mag aalala sa ganitong sitwasyon? Mag hahating gabi na pero hndi pa rin umuuwi ang anak ko?
TAKE NOTE: BABAE pa ang anak ko ah?
Sinong ina ang hndi mag aalala sa ganito huh? Kahit na sinong poncho pilato pa ang humarang sa dadaanan ko wala akong paki alam basta Makita ko lang ang anak ko!
Palabas na ako ng gate nina Beth ng pigiln nya muli ako, “Kim! Ditto ka lang delikado na sa daan..” hinawakan nya ako sa braso. Humarap naman ako sakanya.
“Beth nag aalala ako sa anak ko, kailangan ko syang hanapin..” inalis ko yung pagkakahawak nya sakin.
“gabing-gabi na maraming loko-loko sa daan baka mapahamak ka—“
“iyon na nga yung punto ko eh.. ako na matanda na may pusibilidad na mapahamak sa daan yung anak ko pa kaya? Beth babae yung anak ko kaya kailangan ko syang mahanap ngayon din!” tinabig ko na talaga yung kamay nya kaya tuluyan na akong nakalabas sa gate.
yun yon eh, iyon yung dahilan kung bakit gusto ko na syang hanapin.. kahit na kasama pa nya si Patrick, o kung kasama man nga nya si Patrick hindi mo pa rin maiaalis sakin ang magalala. Pano kung habang pauwi sila may tumambad sakanilang mga loko-lokong lalake at pinagtripan sila? Hindi sa wala akong tiwala kay Patrick, wala akong tiwala sa mga taong nasa paligid.. inangat ko ang braso ko at tiningnan kung anong oras na. it’s exactly 12 mid night. Halos mangiyak-ngiyak na ako ditto..
nasa labas na talaga ako ng gate ng may marinig akong pamilyar na boses..
“MAMAY!”
Agad akong lumingon at napahinto sa nakita ko.
“’may!” agad syang tumakbo sakin at niyakap ako. “’may I miss you so much:’)”
Oh, ang bunso ko namiss ko ng sobra! Niyakap ko din sya ng sobrang higpit.. “I miss you too my babay boy:’)” maluha-luha kong sabi.
Napahigpit ata ng sobra yung pagkakayakap ko sakanya kaya nagreklamo, “ *cough* *cough* ‘may nasasakal nap o ako!”
Natawa naman ako sa sinabi nya kaya humiwalay na ako. Hinarap ko sya, pinag masdan ko yung mukha nya. Ang gwapo pa din talaga ng bunso ko^^.. napansin ko na tumangkad din sya, “tumangkad ka ah!”tapos ginulo ko yung buhok nya.
![How to Catch a Billionaire [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/5491404-64-k609265.jpg)