IvyPoisonedSehun
Mahal mo ako't mahal rin naman kita,
Pero alam nating 'di pa ito tama.
Sapagkat parehas pa nga tayong bata
At hinding-hindi pa dapat na magsama.
May humahadlang sa'ting pag-iibigan
Ngunit may malalim naman siyang dahilan.
Pag-ibig daw ay dapat na dahan-dahan
At hindi daw sa paraang mabilisan.
Siguro ay isa lamang itong hamon
Kaya dapat tayo'y maging mahinahon
Lahat ng bagay ay may tamang panahon
Yan din ang sabi ng ating Panginoon.
