Veronica*
Kinilabutan ako bigla. Ano ba ang balak niya? Sino ba sya?
Dahil sa takot na nararamdaman ko tinawagan ko si Chad.
"Chad.."
"Hey. Anong meron? Napatawag ka ata."
"Uhm ano. Magkita tayo mamayang uwian ha. Sa park." Sagot ko.
"Sige bye. May klase pa ako"
"Bye."
Pupunta ako ng cafeteria para kumain ng makabunggo ko si Brence.
"Sorry.." sabi ko.
"Okay lang. Ako ung hindi tumitingin sa dinadaan eh" sabi nya sabay ngiti, kaya napatingin ako sa mga mata nya.
Parang pamilyar...
"Sige una na ako." Sagot ko nalang
After mag dismiss dumeretso muna ako sa locker at pinuntahan si Chad sa may park.
"Chad.." tawag ko sa kanya nung nakita ko sya.
"Nica." Sagot nya sa akin sabay ngiti.
"Bakit mo gusto makipagkita? Miss mo na ako nuh?" Tanong nya.
"Parang ganun pero may problema kasi eh. "Sagot ko.
"Ano naman?" Sagot nya sa akin.
"Parang may nanakot kasi sa akin" sagot ko.
"Ha?" Tanong nya
"Parang threats sya eh. Tas may naka sulat sa baba na -A." Sagot ko.
"Wait titingnan ko kung nasa aking pa ung huli nyang note." Dagdag ko pa.
Buti nalang nasa bag ko pa ito. Pinakita ko sa kanya ung note na sinasabing malapit na.
"Eto oh" sabi ko sa kanya sabay abot nung note.
"Wait. Parang pamilyar ung sulat nya sa akin." Sabi nya na ikinagulat ko.
"Kaninong penmanship yan?" Tanong ko.
"Hindi ko maalala pero pamilyar talaga sya. Titingnan ko nalang sa bahay baka may kaparehong sulat yan. Pero sa ngayon bibili muna ako ng ice cream dun oh kay manong sorbetero." sabi nya sabay turo sa manong na nagtitinda ng ice cream.
"Sige" sagot ko tapos umalis na sya.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at kinabahan ako bigla. Parang may nakatingin sa akin. Muling lumakas ang ihip ng hangin at may napansin akong lumipad na papel papunta sa direksyon ko.
Pinulot ko ito at nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko. Isang note mula kay A.
"IM HERE
-A."
Tumakbo ako papunta sa nagtitinda ng ice cream pero wala dun si Chad kaya tinawagan ko sya.
"Chad! Nasaan ka na." Sabi ko nang sagutin nya ang tawag ko.
"Nandito lang ako sa likod mo at may dala na akong ice cream"sagot nya kaya tumalikod ako.
Pagtalikod ko ay niyakap ko agad sya.
"Nica, bakit?" Tanong nya.
"Nandito sya Chad, nandito sya" sagot ko sabay bitaw sa pagkakayakap ko sa kanya at pinakita ung note.
"Ihahatid na kita. Delikado na at medyo madilim na rin" sabi nya.
Author's Noteeeee*
Vote sa nacucurious na kung sino si A. ^0^
Labyah all. Ciao~
ESTÁS LEYENDO
Mystery Note
Novela JuvenilA girl loved by three awesome guys and has a secret admirer. But who is her secret admirer or is he really an admirer? Who is A?
