Ikahuling Entri ~~
Naiyak na ako kanina.
Alam mo kung bakit?
Lahat kasi ng pinanghahawakan ko para mahalin ka ay nabitawan kong bigla.
Lahat ng rason ko para ipagpatuloy ko to, naglaho ng parang bula.
Masakit na nga kapag naririnig,
Mas sobrang masakit pala kapag nakikita na.
Yung mga bagay na dapat hindi na talaga....
Kanina, pagpasok ko 100% ang energy.
Pero bakit ganun,
Bakit kailangan ko pang makita kayong.....
Nakaupo dun, magkahawak ang kamay, nakangiti sa isat isa....
At punong puno ng pag ibig ang mga mata....
Ayoko na. Hanggang dito na lang. Ganun talaga eh.. May mga bagay na hindi talaga siguro para sakin..
At alam kong isa ka dun...
Hindi ko na kaya..
Hindi sa ayaw ko na pero,
Suko na ko.
-Shanara Emie :'(
