Chapter 43

14.4K 327 35
                                        

JASON LEE IS BACK.

JASON LEE IS NOT DEAD! HE'S BACK A HERO.

RUSSIAN GOVERNMENT CONDONES JASON LEE.

GOVERNMENT OF RUSSIA, THROUGH ITS PRESIDENT, REWARDS JASON LEE WITH HIGHEST MILITARY HONOR.

At marami pang naglabasang headlines sa iba't ibang pahayagan at sa media na pumupuri sa kagitingang ipinamalas ni Jason at ng mga kasamahan nya. Maraming pasaherong nakaligtas din ang nagpa interview para patunayan ang kabayanihang ginawa ng CIA operatives. Hindi na sila nakaiwas dahil sa eroplano mismo ay may mga pasaherong myembro ng media na syang unang nagpakalat ng balita.

Personal na kinausap din si Jason ng Russian President para magpasalamat at personal ding humingi ng sorry si Jason sa ginawa nya ilang taon na ang nakararaan.

Pati ang iba't ibang state heads ay nagpahayag ng pag hanga sa ginawa ni Jason at ng buong grupo.

As usual, parehong nagki claim na naman ang China at Pilipinas kay Jason [lol].

Bumalik na agad si Jason sa China. Iniwasan nya ang sobrang daming media men na gustong makapanayam sya. Hindi sya sanay at lalong hindi sya handa sa nakakalulang kasikatan na ito.

Definitely, hindi na sya pwedeng bumalik sa pagiging CIA agent. Bistado na sya. Alam na ng lahat na buhay sya.

Napatunayan nya yun dahil pagbati lang ang ipinaabot ng CIA sa kanya sa pamamagitan ni Capt. Ford. Wala itong nabanggit na babalik pa sya sa ahensya. Surely, mamimiss nya ang matinding action sa mga missions.

Pagbalik nya sa China ay nagulat na naman sya dahil sa sobrang daming sumalubong sa kanya. May mga high ranking officials din. Kompleto pa sa tarps na lahat naglalaman ng pagbati at pasasalamat sa kanya.

Nandodoon ang mga magulang nya na kitang kita ang pagiging proud sa kanya. Ang syang niyakap ng mga magulang. As usual, kun todo iyak na naman ang Mama nya.

May mga media na naman. Kahit saan yata sya pumunta ay hindi sya tatantanan ng mga ito.

Nagulat na lang si Jason ng biglang may sumugod sa kanya at agad syang binigyan ng maalab na mga halik sa labi. Si Mei iyon. Kabikabilaan ang flash ng camera sa mga kaganapan at marami ang napapahiyaw lalo na sa naganap na halikan.

Nagpaunlak sya ng maikling panayam at mukhang satisfied na satisfied naman ang mediamen sa mga sagot nya.

Sa wakas ay nakalusot din sya sa mga tao. Agad syang sumakay sa sports car na naghihintay sa kanya at dumeritso na ng bahay. Ang Dad nya na proud na proud ay nagpaiwan at game na game na sumagot sa media.

Si Mei ay ihinatid na muna nya sa bahay nito. Tumatanggi pa nga ito pero ang sabi nya ay magpapahinga muna sya.

Haaaay..what a long day...no..what a long years!

Agad na tumuloy si Jason sa kwarto at nagpahinga. Ngayon nya lang yata naramdaman ang sobrang tinding pagod.

Lumipas nga ang mga araw na hindi pa rin mawala wala ang hype sa kasikatan ni Jason.

In fact, sumagad na yata ang followers nito sa social media. Laging trending pa rin ang #AlDub..este..#JasonisBack.

Hindi tumitigil ang media sa pagpipilit na muli syang makapanayam. Ang iba ay iniiwasan nya, ang iba naman ay sadyang gumagawa talaga ng paraan.

Samantala, sa Pilipinas walang pagkakaiba. Lalong lumaki ang grupo ng sumusuporta kay Jason.

Patatalo ba naman ang mga kaibigan nya. Pagkakataon na nilang matanggap ang sports car na ipinangako ni Rock. Na  postponed lang yun dahil nga baka pagdudahan sila kung makakatanggap sila ng sasakyan ng sabay sabay mula sa kompanya ng sasakyan ng mga Lee. Pero ngayong ok na ang laha ay baka pwede na. Pero may pag aalangan pa rin sila. Hindi nga pala naging maayos ang pagsasama ni Paulene at ni Rock. Ipinangako lang naman ni Rock ang sasakyan na yun para tulungan nila itong suyuin si Paulene pero ngayong hindi nauwi sa maganda ang naging relasyon ng dalawa....tsk tsk.

THE CYBER WARRIORWhere stories live. Discover now