Adjustments

21 2 2
                                        

Dear... Uh..whatever,

Adjustments

May mga bagay na nakasanayan ng gawin,
May mga bagay ring nakalimutan na kung paano pa gagawin
At may mga panahong hindi mo na maiintindihan pa ang mga dapat mong gawain.

Pero, paano mo ulit makakasanayan ang mga bagay kung nakalimutan mo na kung paano ito ginagawa?

Gulo no?

Gaya na lang ngayon.
Pambihira ka talaga tadhana.
Kung makapagbiro ka eh wala sa tyempo.
Kasasabi ko lang na wala na yun, tapos na.
Pero eto ka,
Pinakita mo pa sya sakin sa labasan, nakasandal sa sasakyan ng pamilya niya siguro.
Sa hintayan ng tricycle. Hindi ko nga alam na may pamilya pala yan dito.
Dyahe lang. Hindi ko alam kung nakita niya ako dun dahil todo effort ako sa pagtago ng mukha ko sa buhok kong hindi nalapatan ng conditioner. Bakit kasi siya nandito di ba? Of all places?! Parang nakakainis lang!

Pero pagdating sa waiting shed, nadaanan ako ng sinasakyan niya. Natural nasa loob siya. Nakasakay nga diba?
Nginitian niya ako. Shet!
Ngiting masakit sa puso ko.
Bakit?
Malamang siya, naka move on na. Yung ngiting yun, pinapakita na di na sya apektado.
Ako lang itong si tanga na hanggang ngayon eh nasasaktan pa rin pag nakikita ko siya.
At hanggang ngayon, hindi ko rin alam kung bakit pa yun nangyayari sakin. Pwede namang sabihin na lang na, 'oh ayan nakamove-on na ako, magic!' Duh! Sabihin pa ng iba eh 'ano'ng nakain mo?' Di ba?

Sa kahuli- hulihang nangyari,
Nagkasabay pa kami sa jeep.
Tae lang. Ikaw na kung ano ka man, ayaw mo talaga akong tantanan eh.

Pwede ba kung anong klase ka man na pinapakita pa sakin ang taong yun, please lang.

Let me move on naman nuh. Ang unfair mo lang.

Hindi na to gaya ng dati. Iba na. Kaya please naman ha.

Maki- cooperate ka na lang.

Love,

Nikky

°°°°°°°°°°°°°°°°°
°°°°°°°°°°°°°°°°°

This.
Baka magawan ko 'to ng kwento sa future! :D

Basta ba eh sipagin ako, bakit hindi? Nyehehe

Leu Said... Where stories live. Discover now