Picture ni Rikki sa itaas. :)
Maxine POV
Halos hindi ako makahuma sa nasaksihan ko. Pakiramdam ko ay sumabog lahat ng bulkan sa buong Pilipinas at sinaklaban ako ng langit. Parang gumuho ang aking mundo nang makita ko ang kasintahan ko na may kinamang ibang babae.
"Maxine!", nagulat pa si Chris nang makita ako.
Nandiri ako sa kanya. Nakahubad pa siya na lalong nagpadiri sa'kin.
"Babe. Chris. 'Wag mong tigilan. Hayaan mo nga siya!", malanding sabi ng babae.
Aba't ang kapal naman ng mukha ng malanding 'to! Shit ka! Kaagad ko silang tinalikuran at nagtatakbo.
"Maxine wait! Max!", hinabol pa ako ni Chris. Nandidiri talaga ako sa kanya.
Tumakbo pa ako ngunit naabutan pa rin ako ni Chris. Nahawakan niya ang braso ko.
"Maxine please! Let me explain!"
*PAAAKK*
Sinampal ko lang naman siya nang napakalakas.
"Ang kapal ng mukha mo! After all these time, niloloko mo na pala ako! Walang hiya ka!", halos maiyak na ako sa sobrang galit ko.
"No Max! No! Please let me explain!"
"Shut up! Explain mo 'yang mukha mo gago ka! Magsama kayo ng malanding babae mo! Pakshet ka!", tapos sinampal ulit siya. Malutong 'yun at sabog ang mukha niyang singkapal ng Guiness Book of Records.
Iniwan ko siya at pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko 'yun dahil baka sundan na naman ako ng manlolokong lalakeng 'yun.
Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Shit! Niloko niya ako! Niloko ako ng lalakeng inakala kong magiging forever ko. Pakshet siya! AQng sarap niyang inudnod sa inidoro kasama nong malanding babaeng ka-churvanes niya. Bwiset! Mamatay sana kayong dalawa habang nagdyi-jerjer kayo! Pakyu!
Hininto ko muna ang kotse ko sa kung saan. Out of nowhere ay sumigaw ako dahil sa sobrang inis ko. Magkahalong inis at galit ang feeling ko ngayon. Ang sakit-sakit pala sa pakiramdam na niloloko ka.
"Mga hayop kayo!", napahagulhol ako ng iyak at sigaw.
Nagpatuloy ako sa pagda-drive at pupunta ako ngayon ng bar. Kailangan kong makalimot.
~~
I'm here now at Alasagas Bar. Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak dahil sa kahayupang ginawa sa'kin ni Chris. Walang hiya talaga siya! Ang kapal talaga ng mukha! Pumunta ako doon sa may counter at naupo sa may bakanteng stool doon.
"One vodka please. 'Yung pinakamatapang.", nag-order ako.
Kaagad namang sumunod 'yung bartender ba 'yun or what. After a few minutes ay dumating na rin ang alak.
Tumungga ako ng isang baso. Napangiwi ako dahil sobrang tapang niya. Hindi pa naman ako sanay na uminom. Ah! Ang init sa katawan!
Tumungga pa ako nang tumungga. Hindi ko naman mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nabibwiset talaga ako eh. Minahal ko si Chris with all my heart pero 'yun lang pala ang gagawin niya sa'kin! Malandi talaga siya! I so hate him! Psh!
Sa kakatungga ko ay hindi ko namalayang naubos ko na pala ang laman ng bote.
"Waiter *hik*.... Ishang bote pa ng vodka pleasshhh..", hayun, lasing na nga talaga ako.
Sumunod naman 'yung waiter at kaagad na binigay ang order ko. Tutungga ako ng maraming vodka. Magpapakalunod ako ngayon sa alak. Wala kayong pakialam! Psh!
YOU ARE READING
Puso Ko Ay Stuck Sa'yo
RomanceRikki Lance Acenas and Maxine Andrea Villafuerte's love story 😍 Copyright ©️ 2015
