Maxx
Come on Maxx hindi ka dapat magpadalus-dalos. Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo. Hintayin mo munang dumating si Enzo para mapag-usapan ninyo ng masinsinan ang issue. Huwag kang basta na lang padadala sa silakbo ng iyong damdamin.
Sabi ng kabilang bahagi ng isip niya na kamping-kampi kay Enzo. Hindi niya naman gusto ang gagawing pag-alis ng bahay. Iniisip niya din kung saan siya pupunta? Hindi pwedeng umuwi siya sa bahay ng mga magulang dahil bibigyan niya lang ng alalahanin ang mga ito. Ayaw niya din idamay ang mga magulang sa pagtatampo niya sa napakagaling niyang asawa.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa handle ng maleta ng maramdaman ang pagsipa ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Maging ang baby nila ni Enzo ay tutol sa pag-alis nila at pag-iwan sa daddy nito.
Hinimas ng Malaya niyang kamay ang ibabaw ng kanyang tiyan.
Easy ka lang baby. Hindi na tayo aalis. Pagpapalit niya sa naunang desisyon. Ang dapat niyang gawin ngayon ay hintayin ang asawa at makipag-usap ng masinsinan upang magkaliwanagan sila.
What if babae niya ang sekretarya na iyon? Sabad ng antipatikang bahagi ng isipan niya.
Hindi ganoon si Enzo. Matulungin lang siya. Pagtatanggol naman nG kabilang bahagi ng isip niya.
Sus.. As if naging tapat talaga sa iyo ang Enzo na iyan. Remember he trapped you in this marriage. Then what,pinapasakitan ka lang niya. He's good at hurting you. Pinaglalaruan ka lang niya.
Sukat sa sinabi ng kabaling bahagi ng isipan niya na Hindi niya matukoy kung matalino ba o nuknukan lang ng nega ay napaluha siya. May sense naman talaga ang paliwanag nito.
Enzo will always hurt her. Parati naman.
Tanga ka kasi, minahal mo na nga nagpakaGaga ka pa! Pamukha ng nega niyang isip. She decided to call her that. And nega naman kasi talaga nito.
Hindi katangahan ang pagmamahal.Pagtutuwid ng napaka- supportive na bahagi ng isip niya Kay Enzo. She decided to call her Team Enzo. Ang loyal nito kasi sa asawa niya.
E di wow! Sabi ni Nega.
Sumimangot siya to erase those thoughts. Hinila niya ang maleta patungo sa pinto ng kwarto. She made up her mind! Aalis siya!
Akmang pipihitin niya ang seradura ng kusa iyong bumukas. Bumungad sa kanya ang haggard na itsura ni Enzo. Magulo ang buhok nito at halatang hinahapo. Speechless siya ng magtama ang mga mata nila. Hindi niya mawari kung ano ang sinasabi ng mga Mata nitong nagpalipat-lipat ng tingin sa mga Mata niya pati sa hila niyang maleta at bumalik ulit sa mga Mata niyang pugto na sa pag-iyak.
Sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mga bisig ni Enzo. Hindi niya alam if papaano nangyari basta ang alam niya ay mahigpit na mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya.
"Buti naabutan pa kita Maxx I was really scared to death na Hindi na kita aabutan pag-uwi KO. I'm sorry, hindi na kita pababayaang mag-isa. Huwag mo nang tatangkain pang umalis. I promise Hindi na rin ako aalis sa tabi mo. Dito na lang ako parati." Hinalik-halikan ni Enzo ang bumbunan niya. Para naman siyang nasa alapaap.
Nanikip ang dibdib niya sa tuwa. May halaga pa rin siya Kay Enzo. Napatunayan niya iyon but selfish ba siya dahil hindi niya hinayaang tumulong si Enzo sa iba lalo na sa nangangailangan.
YOU ARE READING
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!
