JHENA'S POV
It's been a while since nang umalis si Chad. Inaamin ko na nalulungkot ako pero binabawi din naman yun tuwing nag-uusap kami sa telepono. Hindi na din kami masyadong nagsasama nina Tiff, Mau at Gene. Pareho na kasi kaming busy eh. Okay lang. Kung minsan nagkikita rin naman kami since iisa lang kami ng village tsaka magkakalapit lang yung bahay namin..
We already have our different lives. Eh kasi naman,I think Tiff and Dwayne were getting along together already. Si Mau tamad pa din, pero hindi ko alam dahil palagi siyang umaalis tuwing weekend. At si Gene? Syempre. Sobrang busy din sa school.
Ako naman pagkatapos ng school, uuwi and then didiretso sa kwarto just to wait if Chad is online.. Ako yung pinakamalimit na lang kung sumama sa barkada kasi palagi akong pagod eh. Hindi naman kami nagkakasabay na umuwi since kanya kanya na naming dinadala yung mga sasakyan namin..
"Kamusta mie? Alam mo, nakakapagod yung araw ko kahapon.. Palagi akong may kinakausap na tao sa telepono man o sa personal.. Nakakatawa. Sa dinami dami ng taong nakakausap ko, ikaw pa rin yung excite na excite ako kahit na sa skype lang.." sabi niya..
Oo na. Kinikilig na ako sa Chad ko.. Bakit ba ganito na lang kasweet yung boyfriend ko?
"Ayan ka na naman die eh. Pinapakilig mo naman ako ng wala sa oras.." suway ko sa kanya.
Tumawa siya tsaka sinabing, "Mas okay na yan. Kesa naman makilig ka sa mga lalaking nababasa mo sa mga libro mo.."
We talked for a long time. Kinamusta niya sina Mau, Tiff at Gene.. He asked mw how my day was at kinuwento niya naman sakin ang buong araw niya kahapon. Magkalayo yung agwat naming dalawa ngayon pero alam ko na he never failed to make me feel loved..
"Malapit na graduation niyo mie.." sabi niya..
Nagbuntong-hininga ako sa sinabi niya. Oo. Ga graduate na kami. It's time to start a new chapter again. Gaya pa din ba kami ng dati?
"Oh? Ba't napabuntong hininga ka dyan? " tanong niya..
"Die. I'm feeling the pressure. And daming mga kelangan tapusin. Ang daming kelang na gawin. Tsaka after nung graduation, ano na naman yung mangyayari?" sabi ko..
He just nodded his head, "Hwag kang mag-alala.. It's worth it. Lahat mg hirap ngayon.. Malay mo, om your graduation umuwi ako.." sabi niya..
A smile just beamed on my face.. "Talaga? Sana nga.. Pero okay lang din die pag hindi ka dumating.. Alam ko namang hirap ka dyan eh." sabi ko sa kanya..
Ang totoo, gusto ko na siyang umuwi.. Gusto ko na talaga siyang makita, mayakap at makakulitan ng personal.. Palagi niya akong tinatanong kung kaya ko pa at palagi ko din sinasabi na okay lang. Natatakot akong sabihin yung totoo na namimiss ko siya, na gusto ko na siyang umuwi dito. I know Chad. Baka biglang magbago ang isip niya at lumipad pabalik dito ng wala sa oras, and that'll make me feel guilty..
MAU'S POV
Nakakainis. I'm feeling all the pressure this time. Pero okay lang din. Keri lang yan Mau. Tsaka nadagdagan pa yung responsibilidad ko nang makilala ko yung walang hiyang Vince na to.
Syempre joke lang yun. Magkaibigan na kmi ngayon ni Vince. Hehe. Nagtataka ba kayo? Ako nga din eh. Pero bilib ako sa taong yun. Kahit na anong taray ko sa kanya, hindi natitinag. Hanep yung positive vibes. Minsan nga nakakainis na kasi nasasapawan na yung negative vibes ko eh..
Akala ko ung moment sa parking lot eh last na yun.. Pero hindi pala. Maganda din naman pala si Vince na Kausap..
flashback..
"Oo na nga,papunta na. Ano ba naman yan. Hindi naman makapaghintay eh." sabi ko sa kabilang linya.
"Anong hindi mkapaghintay. Ang usapan natin di ba 4pm? 5pm na ohh. Akala ko ba u're not wasting ur time? Kaya u're wasting mine?" sabi ng kausap ko sa kabilang linya..
