Part 2: Signs

27 2 0
                                        

==-----------------------------------------------------2ND YEAR----------------------------------------------------------==

First day of class, nagkita kita nanaman kami ng mga kaklase ko dati. Ayun! May dalawa raw kaming bagong kaklase. Wait bat ang tahimik nung isa? *Bell Rings* Ding Dong~~~

"CLASS! SIT DOWN!"

"Since kilala nyo naman ang mga kaklase niyo last year, magpapakilala ang dalawang bago dito ngayon, at magpapakilala rin kayo sa kanila. After nun, mag oorientation tayo tungkol sa school rules and regulations saka mga subject matters niyo."

~~~Introduction na masyadong mahaba~~~

~~~Orientation na napakaboring~~~

~~~Natapos ang klase~~~

>> NEXT DAY, LUNCH

Napansin ko yung babaeng tahimik. Nilapitan ko...

"Alyssa? Tama ba?"

*Girl nods*

"Ako nga pala si Jericho. Hehe. Nice to meet you!"

*Girl nods*

(Kahit magsalita lang sana ito... Kahit isang beses lang....) "Uhmm... ilan kayo magkakapatid?"

Tumingin siya sakin, "Apat po."

"Hmmmm... Alyssa, Bakit ka nahi-"

"Good Morning Class!"

(Nakakainis na teacher! Di ko tuloy nakausap ng mabuti. *sigh* gagawa na sana ako ng kaibigan eh! Naman oh!)

~~~Class continued hanggang sa uwian (kasi walang teacher na late. huhuhu)~~~

And I dunno, but since that day, hindi ko na siya nakausap... maybe I'm just that busy sa studies ko kaya hindi ko na rin siya masyado pinapansin.

Ganoon din nangyari noong 3rd year kami, di kami masyado nag-uusap (aside siguro kung magkagrupo kami sa mga role play and etc.)

HERE IT COMES!

==-----------------------------------------------------4TH YEAR----------------------------------------------------------==

Sa lahat ng mga kaklase ko, siya nalang ang hindi ko naging masyadong kilala. Wala na akong ibang alam sa kanya aside sa pangalan niya, mahilig siya sa anime, at kung ilan silang magkakapatid (Informative masyado! Diba? :D) Kaya...

>>SOMETIME IN SEPTEMBER

"Alyssa, pwede makahingi ng number?"

"O-okay. Eto oh."

"Uy! Globe ka rin pala! Apir!"

*Umapir din siya*

At bigla kong naisipang magin FC (Feeling Close) sa kanya.

Tinetext ko minsan sa gabi, tinatanong kung kamusta siya. Sinasabihan ng good night... pinipilit na makausap kahit alam kong parang imposible...

>>4TH GRADING PERIOD, NIGHT BEFORE THE EXAMS (Mastery Exams)

Eto na. Humingi ako ng sign mula sa Itaas. Sinabi ko sa sarili kong magiging close friend ko ito pag nagawa niyang makareply sa text ko sa kanya. 50/50 ako. Kung hindi makakareply, pababayaan ko nalang...

"Hi Alyssa! Gud evening! Musta ang studies? Sorry if I kept bugging you in the past few months. Nagpalit ka na ng number? Di mo kasi ako nirereplyan eh. Galit ka sakin? Istorbo ba ako? Sorry ha. Ikaw nalang kasi hindi ko nakakausap eh. :D "

*After one minute*

"Hello rin po! Ok lang naman ako. Di kita narereplyan dati kasi lagi kang wala sa timing. Wala kasi talaga akong load tuwing tinetext mo ako. Sorry. Btw, di ako naka unli ngayon. Kaya sorry na rin in advance kung hindi ako makakareply sa mga text mo maya maya. Extra load lang gamit ko. :) "

Then napatulala ako ng ilang segundo... at...

NAPANGITI...

The WallflowerWhere stories live. Discover now