CHAPTER 16

457 19 0
                                        

  CHAPTER 16

ZAIRYL POV

"Waaaah walangya ka Mari"saka ko sinabutan si Mari sa inis.Siya naman ay tawa lang ng tawa."Bayaran mo 'yung headseat dahil ikaw ang nag-utos sa'kin."naiiyak na sabi ko.

Letche kasi ang babae na'to,masyadong harsh ang inuutos niya.
Saan kaya ako hahanap ng 50 thousand nito eh si Claryl pa naman ang gumagastos sa mga gastusin naming tatlo at kapag nanghiram pa ako sa kaniya ay nakakahiya na iyon dahil napakalaki ng pera.

Heatseat lang 50 thousand na agad?

"Tulungan niyo naman ako oh!"inis na sambit ko dahil parang wala lang sa kanila.

"Kasalanan niyo 'yan kaya dapat niyong pag-bayaran."ani Lyndsy.

"Bakit kasi sinira mo talaga?"ani Mari.

"Sinabi mo kaya na dapat sirain tapos ngayon mag tatanong ka?Abnormal ka Mari!"sigaw ko at humagalpak naman siya ng tawa.

"Pwede mo naman kasing hilain lang eh."aniya kaya asar ko siyang sinipa sa paa.

"Mamaya mo'na problemahin 'yan.Tara na sa failed dahil late na tayo ng 5 minutes."ani Lyndsy tyaka naunang nag lakad.

Waaaah! Pautangin niyo ako!


  Para akong binagsakan ng langit na sumunod sa dalawa.Kung ganito naman pala ang mararanasan ko sa mundo ng mga tao ay nag paiwan nalang sana ako sa dagat.


"10 minutes late Mendoza,Jinayon and Payne.So kayo ang mauuna."sabi agad ni Miss.

Letche talaga,second day of class puro kamalasan agad.

"Ano ba gagawin Miss?"tanong ni Lyndsy.

"Humanap kayo ng tatlo pa'ng kasama dahil kayo ang unang lalaban sa mga boys."ani Miss.

"Ano nga ang pag lalabanan Miss?"inis na sabi ko.

"Volleyball Mendoza at siguro naman alam mo kung anong laro ang volleyball diba?"napa-nguso nalang ako dahil hindi naman ako marunong mag volleyball.

Pumito agad si Miss kaya pumasok na sila sa court.Hinila naman ako ni Mari dahil ayaw ko talagang pumasok pero sinigawan nanaman ako ni Miss.

Biglang pumasok sa kabilang court 'yung apat na napag-tripan namin kanina kaya tatakbo na sana kami ni Mari ngunit bumulagta sa harap namin ang dragon na mukha ni Miss.

Nakakatakot siya promise.Lumalaki ang mata niya kapag nagagalit siya.

Huhuhu!!!


  "Mendoza ang bola hindi iniiwasan,sinasalo 'yan."bulyaw sa'kin ni Miss.Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko dahil pinag-tatawanan ako.


"Matatamaan ako Miss pag hindi ako umiwas."reklamo ko kaya lalong lumaki ang mata niya.

"Saang bundok ka ba lumaki at ganiyan kanalang ka ignorante?!"ani Miss at lalong nag tawanan ang mga estudyante.

"Sa dagat kaya ako lumaki,hindi sa bundok."pabulong kung sagot.

"May sinasabi ka Mendoza?"umiling agad ako."Kapag hindi ka naka-puntos,DROP OUT!!"saka niya kinuha ang pamaypay niya at pinaypayan ang sarili niya na akala mo na stress.

"Kyaaah"tili ko ng may papuntang bola sa pwesto ko.Agad naman ako'ng pumwesto para saluhin pero dumaplis lang sa kamay ko.

Panay pa rin ang tira nila sa'kin at pansin ko na sa'kin pinapapunta ang bola.

"Mga mandaraya kayo!Pwede naman sa kanila,bakit sa akin niyo pinapapunta ang bola!"sigaw ko kaya napatayo nanaman si Miss.

"May gana kapa talagang mag reklamo Mendoza? second set na pero ni isang save na bola ay wala ka!"sigaw ni Miss.


  "TIME OUT!"sigaw ko tyaka tumakbo papunta sa upuan at uminom ng tubig dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng hangin.


"Siraulo ka ginalit mo si Miss."natatawang ani Mari ng makalapit sa'kin.

"Nakakapagod kayang sumalo ng bola tapos ang sakit na ng kamay ko."sagot ko at umupo.

"Mapapagod ka talaga.Tara na."yaya niya tiyaka pumasok ng court.

"Mendoza do'n ka sa kabilang court kasama ang mga boys.Ikaw naman Palermo dito ka sa girls.Nahiya naman ako sa kaliksihan ni Mendoza."ani Miss tyaka umupo at nag paypay.

Nakakaasar na talaga si Miss!talagang do'n niya pa ako nilagay kung saan may iniiwasan ako.

"50 thousand."bulong agad sa'kin no'ng lalaking may-ari ng headseat.

"Wala pa nga'ng bukas naniningil ka na!"singal ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot dahil may bolang papunta sa'min.

Nag patuloy lang ang laro hanggang umabot ng three set at kami ang lamang.

Two points nalang mananalo na kami.May bolang paparating kaya sumigaw ako ng Mine para makuha 'yun at hinabol.Bigla akong dumapa para ma save ang bola.  


  At sana hindi ko na lang ginawa dahil patakbo din papunta sa'kin 'yung headseat boy tyaka dumapa para din yata e save ang bola tapos 'yung ulo na tumama sa ilong ko.

Ang lakas talaga ng pagkakatama ng ulo niya sa ilong ko kaya hindi agad ako nakatayo.

Naka-dapa parin ako dahil naalog ang ulo ko sa lakas ng impact.

Dahan-dahan akong tumayo at pakiramdam ko matatanggal ang ilong ko.

Nagulat ako ng bigla ako'ng inalalayan ni headseat boy at hinawakan ang ilong ko tyaka ako pinatingin sa taas.

"Wag ka mo'nang gumalaw."aniya na hawak parin ang ilong ko.Pumikit na ako dahil nandidilim ang paningin ko.

"Natino dalhin mo dito si Mendoza.Boys paki alalayan."dinig kung sigaw ni Miss.

"Ayos kalang Zai?putcha tuloy tuloy pa rin ang pag durugo ng ilong mo."ani Mari na nakaalalay sa'kin.

Kaya siguro dumugo ang ilong ko dahil sa lakas ng pag kakatama ng ulo no'ng headseat boy sa ilong ko.

Sinusumpa ko na talaga ang volleyball at kapag may nangyari sa ilong ko humanda sa'kin ang headseat boy na 'yun.

Malas!!


  


Blue Night [SLOW UPDATE] #Wattys2017Where stories live. Discover now