CHAPTER 15

459 22 0
                                        

  CHAPTER 15

Second day of school walang guro na pumasok sa subject namin dahil may meeting daw kaya pareho kaming naka-pangalumbaba sa arm chair dahil nakakabagot.

Hinihintay namin ang sunod na subject.Maya maya pumasok ang isa naming kaklase.

"Classmate punta daw tayo sa field sabi ni titser Yana."sabi nito tyaka naunang lumabas.Si titser Yana ang next titser namin.

"Doon tayo sa field?mainit do'n ah."angal ni Mari.

"Kaya nga,pwede naman dito.Ano ba kasi gagawin sa field."ani Zai.

"Nag rereklamo pa kayong dalawa.Ibalik ko kaya kayo sa dagat."biro ko sa kanila.Inis naman silang tumayo at kinaladkad agad ako sa labas.

"Parang may kamukha 'yang ex ni Claryl."sabi ni Zai ng makita namin si Nathan kasama 'yung tatlo na may mga dalang bola.

"Oo nga no?familiar ang mukha niya."sang-ayon naman ng isa.

Mga abnormal talaga!hanggat ngayon hindi pa din nila namumukhaan si Nathan.Kami din naman hindi na mumukhaan ni Nathan dahil ang layo na ng pinag-kaiba namin sa dati.

"Pero ang gwapo nila no?"ani Mari.


  Nag-umpisa nanaman sa kalandian ang dalawa.Nag pipilian pa sila kung sino daw ang nasa kanila mga abnormal.


"Matapang ka Mari diba?"tanong ni Zai.

"Syempre no!bakit nasan ang kalaban?"sagot naman ni Mari na umakting pa na may kaaway.

"Laro tayo.Ganito,e-dare kita at e-dare mo din kami ni Lyndsy.Woap!hindi pwedeng humindi Lyndsy."agad na warning niya sa'kin.

"Oh sige,ano 'yun,dali dali."sagot naman ni Mari na bakas sa mukha na excited sa kalukuhang gagawin.

"Nakikita mo 'yung lalaking may hawak na parang juice?"turo nito sa lalaking kausap ni Nathan,tumango naman agad si Mari."Mag panggap ka na nadapa sa harap niya at dapat maibuhos niya 'yung iniinom niya sa katawan niya.Deal?"

"Deal!"sagot agad ni Mari at lumayo sa'min tyaka lumapit sa lalaki.

Kinuha ni Mari ang cellphone sa bulsa niya at nag panggap na nag tetext.Tapos deretso siyang nag lakad sa apat na nag-uusap,nag-panggap ulit siyang hindi niya nakikita ang apat at agad na binundol 'yung lalaking sinasabi nila at napasalampak agad ito sa sahig.  


  "The fuck!"sigaw ng lalaking naka-salampak sa sahig"Are you blind freak?"sigaw nito kay Mari at pinunasan ang sarili dahil 'yung iniinom nito ay natapon talaga sa lalaki.

"Ano nga 'yun?paki-ulit?"tanong ni Mari na nag-panggap na hindi narinig ang sinabi ng lalaki.

"The hell.Why did you do that?can't you see that we're here?"sigaw sa kaniya ng lalaki.

"Kuya english 'yun ah,hindi ko ma gets.D'yan ka na nga!"ani Mari tyaka walang sabi-sabing umalis sa harap ng apat.

Tawa naman ng tawa ang katabi ko ginawa nilang kalukuhan.Kita pa namin kung gaano naasar 'yung lalaking pinunterya ni Mari.

"Galing!"ani Zai tyaka nag appear kay Mari.

"Ako pa!Ikaw naman.Nakikita mo 'yung lalaking naka headseat?"tumango si Zai."Hablutin mo iyon at siguraduhin mo'ng masisira talaga ha."natatawang ani Mari.

"Grabe ka Mari,wala akong ipambayad kapag nasira."angal ng isa.

"Basta gawin mo.Mayaman naman 'yan sila kaya pag ipapabayad sayo wag mo'ng pansinin"walang nagawa si Zai kundi ang sumunod dahil siya ang nakaisip ng kalukuhan.  


  NATHANIEL'S POV

Naputol ang pag-uusap namin ng may biglang dumamba kay Marion kaya nabuhos ang iniinom niya sa katawan niya.

"Makita ko lang ang pangit na babaeng 'yun talagang ililigo ko sa kaniya ang lahat ng juice."badtrip na ani Marion.

Natatawa naman si Bren sa itsura ni Marion habang si Zion walang pakialam dahil naka-salpak nanaman ang paborito nitong headseat na niregalo ng girlfriend niyang si Jamm.

Maya-maya lang din ay nagulat kaming apat ng may babaeng tumatakbo ng mabilis at papalapit sa gawi namin.

Bigla niyang hinablot na parang snatcher ang headseat ni Zion kaya pumulupot 'yung wire sa leeg ni Zion.Deretso lang ng takbo ang babae,si Zion naman nakasunod sa babae dahil nga 'yung wire ay nakapulupot sa leeg niya.

Nakaapak ng bato ang bato ang babae kaya na dapa at sa kasamaang palad ay naputol ay headseat na iniingatan ni Zion na halos ayaw ipahawak sa'min at ayaw niyang magasgasan man lang.

Parehas kaming natulala sa bilis ng pangyayari,at panigurado na pinag tri-tripan nila ang dalawa.


  "Tayo!"sigaw ni Zion sa babae at mababakasan mo ng kaba 'yung babae dahil mukha na siyang papatayin ni Zion.


"Trouble na this!"iling iling na sabi ni Bren.

Iba ang ugali ni Zion kapag nagalit,kahit sino o ano kapa papatulan ka niya.

"Ipag-dasal na natin ang kaluluwa ng babae men."natatawa ng ani Marion na parang hindi napag-tripan kanina.

"Baliw 'yung babae.Alam natin mga men gaano ka importante 'yung headseat at kung paano niya 'yun iniingatan sa loob ng dalawang taon nila ni Jamm."sabat ko naman.

"Regalo ata ni Jamm sa kaniya 'yun no'ng first monthsary nila diba?"tumango lang kami sa tanong ni Marion.

"Sorry,hindi ko sinasadya."sabi ng babae.

"Hindi sadya?kaya pala sinabay mo sa pag takbo mo dahil hindi mo sadya!"sigaw ni Zion sa mukha ng babae kaya napapikit ito."Bayaran mo 'yan.Gusto ko ganyan ang kulay at design."

"Mag-kano ba?"sabi ng babae tyaka kinuha ang wallet.

"Fifty thousand pesos."madiing ani Zion.

"Bente lang pera ko.Utang nalang ang 49,980."saka nito inabot ang binti kay Zion.


  "Bente huh?kahit wire ng headseat ko ay hinding-hindi mabibili ng bente mo."sigaw ulit ni Zion.


"Wala nga akong pera!"sigaw din sa kaniya ng babae.

Agad na hinablot ni Zion ang braso ng babae at hinila papalapit sa kaniya.

"Pwes hindi ko na problema iyon.Kapag wala kang ibinigay sa'kin na 50 thousand bukas hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."tyaka nito pabato na binitawan ang babae at talagang napa-upo ito sa sahig.  


Blue Night [SLOW UPDATE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon