Tanga na kung Tanga.

44 0 0
                                    

"OmyGod! Sisssssssssssy! Wahahahaha! Nakita ko na naman si Natsume. Ang gwapo-gwapo niya talaga. Sheeeet na malagkit! Makalaglag panty yung hotness niya. Wahaha!"

Hindi talaga ako mapakali pagnakikita ko siya. May nakikita akong puso na nagtatakbuhan pag naiisip o kaya nakikita ko siya. Nakakakilig! Ako nga pala si Mikan Mendoza. 2nd year high school na. Ang babaeng baliw kay Natsume Larkon.

"Hahaha. Hay naku sissy. Baliw na baliw ka talaga sa mokong na yun no?"

"Matagal na akong baliw sa kanya sissy. Simula pa nung mga bata tayo."

"Ang tagal na nga niyan eh. Pero hanggang ngayon hindi ka pa rin pinapansin. Hahaha."

"Oo nga eh. Bulag ata yun eh. Malapit ko na ngang nakawin yung arrow ni cupid."

"Desperada lang? Haha. Hintayin mo nalang baka magkaroon ng milagro at yayayain kang maging partner sa ball."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni sissy. Ayaw kong umasa sa wala. Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon wala pa rin akong pag asa na mapansin o mahalin niya. Naalala ko nga noong magkaroon siya ng girlfriend. Umiyak talaga ako ng sobra at hindi siya pinansin. Nangako rin ako sa sarili ko na titigilan ko ang ang kahibangan ko sa kanya pero hindi ko rin napigilan at kinaya. Hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko sa kanya. Sa pagdaan ng panahon mas lalo ko siyang minamahal. Dati sinasabi ko Crush ko lang siya pero isang araw nagising nalang ako na Mahal ko na pala siya. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya kasama yung mga girlfriends niya. Pero pasalamat lang ako dahil kahit marami na siyang nakakarelasyon ay hindi naman sila nagtatagal. *evil laugh* Inaaway kasi ito ng kapatid niya. Wahahaha! Kakampi ko kasi ang kanyang kapatid. Walang iba kundi si sissy. Hotaru Larkon nakakabatang kapatid ni Natsume. Matanda ng 1 year si Natsume sa amin.

Pero bakit ganito? May naaamoy akong pamilyar na pabango. Siya lang yung kilala kong may ganitong amoy. Natigilan ako nung siniko ako ni Sissy.

"Sissy. May pangit sa gilid mo."

Nanlaki yung mga mata kong nakatingin kay sissy. Ngiting aso ang bruha. Bigla akong inatake ng kaba. Nagkarambulan mga intestines ko. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at nakita ko nga siya. Nakangiti sakin. Labas ipin. Parang model ng toothpaste kung makangiti. Ayan na naman yang ngiti niya na nagpapa inlove sa akin. Biglang nagsparkle yung paligid namin. Yung mga puso. Nasa paligid namin naghahabulan pati puso ko gusto na ring lumabas at kumapit sa kanya. Yung mga alaga kong daga nagkarerahan na. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Hindi naman ito ang unang beses na lapitan, ngitian at kausapin niya ako pero hindi pa rin talaga ako nasasanay. Inaatake pa rin ako. Natatae ako. Naiihi ako. Kinikilig ako ng bonggang bongga. Natauhan lang ako nung nagsalita siya.

"May extrang ballpen kaba Mi?"

"H-huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ballpen. Meron kabang extra?"

"Ahh. Ballpen. Hehe. Meron. Eto oh. Hehe."

"Salamat."

Nakangiting sabi niya at ginulo pa muna niya yung buhok ko bago nagpaalam sa amin ni Sissy. Kakamot kamot nalang ako sa ulo ko habang tinitignan siya papalayo. At nabigla ako ng tumawa ng napakalakas si sissy. Napatingin ako sa kanya pati na rin yung ibang mga students dito sa hallway. Kung makatawa akala mo baliw. Parang wala ng bukas.

-_-# ---------> ako

*^O^* -----> sissy

"Epik sissy. Kung nakita mo lang reaksyon mo. BWAHAHAHA!"

"Sige lang pagtawanan mo lang ako."

"Hindi na. Hindi na. Aherm. Nakakaloko talaga yung kumag na yun. Hahaha! Akala ko pa naman."

Tanga na kung Tanga (OneShot)Where stories live. Discover now