Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit ko, inaayos ang buhok ko sa harap ng maliit na salamin, at ilang beses kong pinapalitan ang polo na isusuot ko kahit pare-pareho namang malinis.
"Kuya."
Napalingon ako kay Kath na nakatayo sa may pintuan ng kuwarto habang nakangisi.
"Ano?" tanong ko habang inaayos ko ulit ang kuwelyo ng polo ko.
"Hapon pa graduation ni Kuya Trevor," sabi niya habang pinipigilan ang tawa. "Bakit parang may pupuntahan kang kasal?"
"Graduation niya," sagot ko habang napairap. "Gusto ko lang maayos akong tingnan."
"Maayos ka na," sagot niya habang lumapit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kanina ka pa nag-aayos."
"Hindi naman."
"Kuya, pang-anim na 'yan," sabi niya habang tumatawa. "Anim na beses mong inayos buhok mo."
"Hindi ko binibilang."
"Ako ang nagbibilang. Sobrang ho-ay," sagot niya habang mas lalo pang ngumisi.
Napailing ako at bumalik sa salamin. Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit ganoon ako kakaba. Ilang beses ko nang nakasama si Trevor, ilang beses na rin akong nakapunta sa bahay nila, at kilala na ako ng pamilya niya kahit hindi pa kami ganoon kalapit. Pero iba pa rin ang araw na iyon dahil graduation niya, at inimbitahan niya ako na pumunta roon bilang taong gusto niyang makita sa isang mahalagang araw ng buhay niya.
Higit sa lahat, makikilala ko nang maayos ang mga magulang niya.
At iyon ang dahilan kung bakit mula umaga pa lang, parang hindi ko na alam kung tama ba ang suot ko.
"Kuya," tawag ulit ni Kath habang nakasandal sa pintuan. "Hindi naman nila titingnan kung pantay ang buhok mo."
"Hindi mo alam," sagot ko habang napapailing.
"Alam ko," sagot niya habang tumatawa. "Kasi hindi naman ikaw ang titingnan nila. Si Kuya Trevor ang graduate."
"Tumahimik ka na nga."
"Kinakabahan ka talaga."
"Hindi."
"Kinakabahan."
"Hindi nga."
Napangiti siya bago tuluyang umalis sa kuwarto.
"Good luck, kuya," sabi niya habang tumatawa. "Huwag kang mahimatay kapag nakita mo ang pamilya ni Kuya Trevor."
"Kath!"
Mas lalo siyang tumawa habang tumatakbo papunta sa sala.
Pagsapit ng tanghali, handa na ako. May dala akong maliit na bouquet na matagal ko ring pinag-isipan bago bilhin dahil hindi ako sanay pumili ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ang bagay sa graduation, kaya pinili ko na lang kung ano ang tingin kong maganda at maayos.
Napansin iyon ni Mama habang naghahanda ako.
"Para kay Trevor?" tanong niya habang nakatingin sa bouquet.
"Opo," sagot ko habang bahagyang napakamot sa batok.
"Magugustuhan niya 'yan," sabi niya habang nakangiti.
"Sana," sagot ko habang tinitingnan ko ang mga bulaklak.
"Hindi ka na mag-jeep?" tanong niya nang mapansin niyang hindi ko dala ang susi.
"Hindi na," sagot ko habang marahang umiling. "Nakakahiya naman."
"Bakit nakakahiya?" tanong niya habang natatawa.
YOU ARE READING
Alabang Kiss Dyan
General FictionJiro is the driver of his family jeepney. He runs the street like a king, plays basketball like a pro, and thinks he has life all figured out. He is the man of the house, tough and in control. But his heart has a lane he keeps hidden. Until a guy fr...
