Chapter 1 (Part 1): Party

637 43 32
                                    

Sam's POV

On my way to Lalaine's Heaven-este kitchen! Naks! Umo-on my way parang Facebook, Twitter, at Instagram lang.

Nakangiti akong papunta sa kusina nang biglang may unggoy na sumampa sa likod ko. "Saaaaaam! Nakita mo ba 'yung ipis?" Asar naman 'tong si Belle! Panira moment eh. "Mukha ba 'kong hanapan ng nawawalang ipis?!"

Pinaalis ko siya sa likod ko tas humarap sakanya. "Ayy! Ayan pala eh oh! Nasa ulo mo." tas tumili siya ng sobrang lakas na halos mabasag na ear drums ko na para bang gusto ko na siyang ibato papuntang Mars.

Nang dumating naman si Yassi, "Hoy! Ano ka ba, Belle?! Patay na 'yung ipis kanina pa. Pinapatay ko na kay Mang Roger." Si Mang Roger ang mabait at masipag na driver nila Lalaine.

Teka, teka nga. Ano ba naman 'tong mga epal na 'to?! Magmomoment pa nga ako kasama 'yung mga minamahal kong pagkain eh. Bahala nga sila diyan! Basta ako, bubuksan ko na ang mahiwaga at napakalaking cabinet na punong-puno ng pagkain! Emeged. I cannot wait!

Pagkabukas ko ng cabinet at refrigerator nila, halos malaglag na 'yung mga pagkain kasi punong-puno. Hashtag medyo inggit. Wala naman kasing time mga tao sa bahay namin para mag-grocery. Huhubels.

Sa sobrang dami ng pagkain dito, hindi ko na alam kung ano uunahin kong kainin. Ayy, feel at home ang lola niyo!

"Hoy Sam! Ano nanamang ginagawa mo diyan? Kumakain ka nanaman ba?" tanong ni Lalaine.

"Oo nga! Hoy, Sam Gutierrez! Ang tagal mo naman diyan! Baka inubos mo na pagkain diyan sa kusina nila Lalaine. Mahiya ka naman. Ayy sabagay, wala ka namang hiya." sigaw ni Lexi.

Samantha Gutierrez here! Incoming Grade 11 student sa Happy International University and soon to be a Tennis varsity player. Oha?! 17 years young. Young pa ko, okay?! Single and always ready to mingle. Pero syempre echos lang! Laging kasama sa Top 10 sa school since Nursery. Hah! Oh ano? Palag? Chos. Tamad ako mag-aral pero mataas grades ko. 'Di ko alam kung bakit. Oh, oh alam ko 'yang iniisip mo. Hindi ako kopyador! Stock knowledge lang 'yan fre! Joke lang, wala ako nun.

"Grabe! Wala pa nga akong nakakain eh. Ayan na! Na-miss niyo naman ako kaagad." sagot ko sakanila at pumunta na kung saang lupalop man sila ng mundo naruruon.

--

"Hoy mga ano! Saan tayo matutulog?" tanong samin ni Lalaine. Pwede bang sa kusina nalang ako matulog?

"Baka sa CR ano po?" - Yassi

"Dito na lang sa kwarto mo. Kasya naman tayo eh!" - Lexi

"Great idea! Pajama party! 'Yung may pillow fight, girl talk, and foodtrip." sabi naman ni Belle na tuwang-tuwa. Parang bata..

"Arte naman neto! Daming alam! Pero foodtrip? Sige na nga, game ako diyan!" sabi ko tas bigla naman silang nagtinginan sakin. Bakit? Anong problema ng mga 'to? Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong kagandang nilalang sa buong buhay nila?

"Wow ah? Parang napilitan ka pa ah. Kapag pagkain talaga, game lagi eh. Takaw tas 'di naman tumataba! Dami alaga sa tiyan. Tsk!" sabi ni Lexi na may pailing-iling pa. Sige na, inaamin ko.. may alaga akong Anaconda sa tiyan.

Inaayos na namin yung hihigaan namin ng biglang may kumatok. Since si Lexi pinakamalapit sa pintuan, siya na nagbukas.

Si Manang pala. "Bakit po manang?" tanong ni Lexi. May inabot lang na sobre si Manang tas umalis na.

Na-curious naman daw ako kung ano 'yung nasa sobre kaya tinanong ko si Lexi. "Ano 'yan?"

"Sobre." sagot naman niya. Eh, anak ng kalabaw!! Alam kong sobre 'yun pero.. 'Dibale na nga.

Mischievous Teens (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon