Day Dreamer 9>> mashed potato cravings

Beginne am Anfang
                                    

"Ah.... Eh.... Sa anoooo na lang tayo."

"Saan" sina James, Lee, Steph at Mon.

"Sa ano na lang...." grrrrr saan nga ba?? Kung ako lang uuwi na ako. May cup noodles pa ako sa bahay eh.

"Saan nga" sila ulit

"Sa KFC na lang tayo." biglang sabi ni Nathan.

Napatingin naman kaming lahat kay Nathan. Tapos humarap siya sa amin.

"Bakit bawal ba doon??? Masarap kaya ang mashed potato nila doon."

May pagka something din pala ang isang ito.

"Bah Nathan may mashed potato ka pang nalalaman ngayon?" si Lee na napatingin din kay Nathan

"Oh bakit ayaw mo ba ng mashed potato?" Tanong ni Nathan kay Lee.

Nag-isip si Lee

at biglang napangiti.

"Saan na ba KFC dito?? Masarap iyon kapag mas maraming gravy...." sabi pa nito. hay may sapi din pala ito minsan. Sino kaya talaga pinaka matino sa mga ito???

"Tara na naglalaway na ako." sabi ni Lee at hinila ako.

Bale ang nangyari hinila niya ako at hinila ko si Steph. So Nathan, si Steph, ako at si Lee. Habang hawak hawak niya kamay ko.

Eeeeehhhhhhh. Wahahaha kinikilig naman ako.

"Sam favorite mo din ba mashed potato???" tanong ni Lee sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin.

"Ahhh ehhhh" hala nauutal nanaman ako.

Hey!! DAYDREAMERWo Geschichten leben. Entdecke jetzt