PROLOGUE

1 0 0
                                        

May mga taong pumapasok sa kumbento upang maghanap ng kapayapaan.

May mga taong pumapasok dahil sila'y naligaw ng landas.

At mayroon namang mga taong katulad ko. People who walk through the gates knowing exactly what they're looking for.I just wasn't ready to admit what it was.


Ang kumbento ay kakaiba sa gabi. Sa araw, ito ay kaaya-aya, may puting mga pader, lumang sahig na bato, mga bulaklak na tumutubo sa tabi ng kapilya, at mga Madre na tahimik na naglalakad sa mga pasilyo habang hawak ang kanilang rosaryo sa pagitan ng mga daliri.Everything felt peaceful.Holy.Untouchable.


Sa gabi, tila may itinatago ang lugar. Nagiging mas madilim ang mga pasilyo. Umiingit ang mga lumang pintuang kahoy tuwing nahahanginan. Bawat anino ay parang tao. Bawat yabag ay parang may sumusunod sa iyo. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang lugar. Ginagawa nitong parang tahanan ang mga lihim.

I stood in front of the mirror, staring at myself. Sinukat ko lang naman ang  aking abito and well bumagay naman siya at nagfit sakin, hindi nga lang ako mukhang banal. 

Maya maya'y may kumatok sa pinto kaya't napatigil ako sa pagsiyasat sa kabuoang itsura ko.

 "Sister Philo?" Kinuha ko ang belo at inayos ito sa aking ulo. 

"Sandali lang po!" tugon ko. Bumukas ang pinto. Isa sa matatandang madre ang tumingin sa akin nang may pagdududa.

 "Bakit gising ka pa?" Ngumiti ako nang inosente. 

"Ako po'y nananalangin". Tiningnan niya ako, pagkatapos ang bintana, pagkatapos ay bumalik ang tingin sa akin. 

"Alas dose ng gabi?" pagtatakang may halong dudang tanong niya. 

"Lubos  po akong deboto Sister at nakaugalian ko na po ang 3hour praying schedule" tumatangong sagot ko. Napabuntong-hininga na siya lang siya sa naging sagot ko. 

"Matulog ka na." pagpapaalala niya. 

"Opo, Sister" nakangiti kong sagot. 

Isinara niya ang pinto. Naghintay ako. Limang segundo. Sampu. Pagkatapos ay tahimik akong natawa. Inilabas ko mula sa ilalim ng unan ko ang isang maliit na notebook. Hindi iyon bibliya. Hindi rin iyon diary. At least, not the kind a normal girl would keep. Binuksan ko ito. Naglalaman ito ng mga pahina ng pangalan,  petsa, lugar, at mga tanong. Ang ilan ay nabura na. Ang iba nama'y paulit-ulit na binilugan hanggang halos mabutas ang papel sa tinta. I ran my finger across one particular name. Then closed the notebook. 

Not tonight. 

I wasn't ready. 

Not yet.

Dahan-dahan akong lumabas ng aking silid. Nakayapak at tahimik na binabaybay ang pasilyo. The hallway was empty, syempre dis oras na ng gabi. I walked past the statue of the Virgin Mary and stopped for a moment, huminto ako dahil feel ko nakatitig siya sa akin kaya  kinausap ko siya. 

"Huwag mo akong tignan ng ganyan" I smiled.

"I know I'm supposed to be asleep" para akong sira ulong kumakausap sa istatwa at nag aantay ng tugon. dahil nga wala akong makuhang tugon ay  pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. I reached the end of the corridor and carefully opened the side door. Cold air hit my face. I stepped outside. The garden was almost completely dark. Tanging liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa daan. I pulled my veil tighter around my head. 

For a moment, I simply stood there. Then suddenly may narinig akong  mga yabag. Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno. 

Palakas nang palakas ang mga yabag. Slow, Steady, Whoever it was wasn't trying to hide.

A figure appeared at the end of the path.

 I couldn't see the face clearly.

Only the silhouette.

Black clothing.

A cross hanging against the chest.

A priest.

Napahigpit ako ng kapit sa kuwadernong isinuksok o sa aking abito nang huminto siya malapit sa puong tinataguan ko. Sa isang kakaibang sandali, para bang nakatingin siya nang direkta sa akin.Pagkatapos ay lumiko siya patungo sa kapilya.At naglakad palayo. Inantay kong tuluyan siyang makapasok at maisara ang pinto bago ako huminga ulit. 

I looked down at the notebook.

Then toward the chapel.

May kung ano sa loob kong nagsasabi sa akin na tama ang naging pasya kong pumunta rito.

Hindi dahil nais kong maging banal. 

Hindi dahil nais kong magbago. 

At tiyak na hindi dahil nais kong gugulin ang natitirang buhay sa panalangin.

Pumunta ako rito dahil may mga tanong na hindi nawawala kapag binalewala mo. 

Sila'y lumalaki. Sumusunod sa iyo. 

Naghihintay. 

At kung minsan, dinadala ka nila sa lugar na hindi mo inaasahang matatagpuan ang mga sagot.

Bahagya akong ngumiti. Pagkatapos ay bumulong sa sarili, "Tingnan natin kung ano ang itinatago mo".

Lumakad ako patungo sa kapilya. At ginawa ang aking unang hakbang. I didn't know it yet—but that step would change everything.

Behind The VeilStories to obsess over. Discover now