May Diyos nga ba?

11K 163 17
                                    

Sa buhay natin hindi mawawala ang mga problema. Nandyan ang mga matitinding pagsubok, minsan pa nga sa mga bagay na gusto natin ay may humahadlang. pero lagi nating tatandaan na walang binibigay ang Diyos na pagsubok na hindi natin kaya.

--

 Isang umaga sa bayan ng San Roque ay may isang pamilya. Ang pamilyang ito ay ang Pamilya Cruz, madalas hindi magkasundo ang mga ito...

--

Dumating ng bahay si Mang Juan ng lasing.

Maricel: Umaga ka na naman umuwi. Hindi mo ba alam na may pamilyang nag-aantay sa'yo rito. Asan na ang sweldo mo?

Juan: Ano'ng sweldo pinagsasabi mo?

Maricel: Hindi ba't sweldo mo kahapon? Asan na? pinang-inom mo na naman.

Ngunit hindi siya pinansin ni Mang Juan at naupo na lamang sa sofa. Sina Mark at Brenda ay parang walang naririnig, halatang sanay na sa sagutan ng mag-asawa. 

Rica: (lalapit kay Maricel) Nay, nagugutom na 'ko. 'Nay nagugutom na ko.

Maricel: Sandali nga, (babaling kay Juan). Nakita mo na, nagugutom na ang anak mo. Wala ka man lang nai-uwi kahit konting pera o pagkain man lang.

Juan: 'Wag mo nga kong ginaganyan Maricel ha. Bakit, yung sweldo ko ba binibigay mo ng buo sa mga anak natin ha? Pinansusugal mo rin namn ah. (Umalis na si Mang Juan)

Saktong pagtalikod ni Aling Maricel ay nakita niya si Yael na nakabihis.

Maricel: Saan ka pupunta?

Yael: Sa simbahan po 'Nay.

Maricel: Simbahan, Simbahan. Tigilan mo nga ako Yael, alis ka ng alis.

Hindi na lamang siya pinansin ni Yael, sa halip tumuloy pa rin siya sa simbahan. 

May Diyos nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon