Nasa may pintuan na siya nang lumingon siya sa akin.

"Oh bakit nakatayo ka pa diyan? Iniisip mo ba yung magiging bed scene natin? Wag kang mag-alala! Mag e-enjoy ka dun!" tapos kinindatan niya ako.

ARRRRRGGGHHHHH!!!!!

"BRYAN ANGELOOOOOOO!!!!!" pasugod akong pumasok sa loob ng unit tapos pinagsusuntok 'ko siya.

Tawa lang siya ng tawa. WTF?!

"Ano ba. Tigilan mo na nga. Hahahaha!" sabi niya habang tumatawa at umiilag sa suntok 'ko.

"Tumigil ka na! Nasasaktan na 'ko!" akala mo seryoso? Eh nagpipigil lang siya ng tawa eh!

Kakailag niya, nahuli niya yung mga kamay 'ko. Napasandal na naman ako sa pader at ganto na lang na naman ang distansya namin.

Uggghhh. He always give me this chills to my spine. :3 Tangna. Erika pakipot!

"Di ka ba talaga titigil o hahalikan kita?" sabi niya habang may nakakalokong ngiti.

Napalunok ako. O___O

"H-hindi! B-bawiin mo muna yung sinabi mo!" sabi 'ko sa kaniya. Nagtatapang tapangan lang ako. :(

"Talaga? Hindi? Kung hindi ka titigil, mas lalong di 'ko babawiin. At pag hinalikan kita, dun din tayo tutungo." nakakaloko pa din yung ngiti niya! Geez! Ano ba! >/////<

"Ganun ba talaga kalakas ang charm 'ko para mag-blush ka lagi ng ganiyan?" nagpipigil na naman siya ng tawa.

"K-kapal ng mukha mo! B-bitawan mo na nga ako!" sabi 'ko sa kaniya.

"Bibitawan kita kung titigil ka na." sabi ni Bryan.

"O-oo na! Oo na!" pagkasabi 'ko nun, tumalikod na siya at binitawan ako.

Aakmang susuntukin 'ko na sana siya nang biglang nag-salita siya uli.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon