Walang Kapalit

4 0 0
                                        

Sige na naman Teux kantahin mo na" pag pilit ni Wen sa kaibigan.

Niyuyugyog pa nya ito, kaya napapatawa nalang si Teux.

"Ayoko nga" pag tanggi ni Teux

"Ito naman minsan lang nga ako mag request ng kanta sayo eh" sabi ni Wen sabay pabagsak na umupo sa upuan sa harap ni Teux.

Huminga naman ng malalim si Teux saka tumango, di din kasi nito matiis ang kaibigan, dahil paniguradong hindi nanaman sya papansininin nito pag hindi nya sinunod ang hiling nito.

"Anong tango yan?" tanong ni Wen.

"Oo na kakantahin ko na, paabot ng gitara" sabi ni Teux saka tinuro ang gitara na nasa tabi ni Wen

"OY TUNAY!?" natutuwang pag kumpirma ni Wen sabay abot ng gitara.

Ngumiti naman si Teux sa inasal ng kaibigan.

Nakaktunaw namang ngiti yan.

Kinuha nya ang gitara mula sa kamay nito, "Ito yung chords" ani ni Wen sabay pakita ng phone nya.

"It's okay I know the chords" pag tanggi ni Teux saka nag simulang ituno ang gitara.

"Oohh" nasabi nalang ni Wen sabay bukas ng camera app sa phone nya sabay tutok ng camera sa kaibigan.

Tinignan naman sya ni Teux, "Ano yan?"

"V-video-han kita" nakangiting sabi ni Wen.

"Ay hindi, ayoko na pala" ani naman ni Teux nagsimulang ibinaba ang gitara.

Binaba naman ni Wen ang cellphone nya at tinignan ng masama si Teux habang naka busangot.

Natawa naman si Teux, "Kidding, baka ipagkalat mo yan ah"

"Hindi ah for my eyes only" pabirong sabi ni Wen habang tumatawa.

Napailing naman si Teux.

Nagsimula naman syang tugtugin ang intro ng kanta.

♪♪'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay♪♪ malambing na boses ang narinig ni Wen mula sa kaibigan.

♪♪Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig Kulang man ang 'yong pagtingin♪♪ minsan ay pumipikit ito pa na tila dinadamdam ang mensahe ng kanta.

♪♪Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin♪♪

Pwede po bang akin na lang to? tanong ni Wen sa isip.

♪♪
At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon

Na ako ay mahalin mo rin

Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan

Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin

♪♪

Anghel ba to?

Paminsan-minsan ay tumitingin pa sa cameera si Teux, kaya naman hindi maiwasang isipin ni Wen kung sa camera ba tumitingin ang binata o sa taong nasa likod ng camera.

Delulu yan?

Pero hindi nya talaga mapigilang umasa, kung sana ay babae lamang sya, siguro mas madali lang na sabihin tong nararamdaman nya para sa kaibigan.

Nag simulang sumikip ang dibdib ni Wen. Tila din tinutusok ito ng maliliit ng karayom sa bawat liriko'ng lumalabas mula sa mga labi nito.

Ang hirap umibig sa kaibigan lalo pa sa kapareho mong kasarian.

Hindi napansin ni Wen na nagsimula na palang tumulo ang mga luha mula sakanyang mga mata. Nanginginig narin ang dalawang kamay na nakahawak sa cellphone.

Kasalukuyang naka yuko naman si Teux kaya hindi nya napansin agad ang kalagayan ng kaibigan.

♪♪Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin...♪♪ matapos kantahin ang huling linya ng kanta ay muling inangat ni Teux ang kanyang paningin.

Mabilis na binaba ni Teux ang gitara at linapitan ang kaibigan, "Wen anyare sayo?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling naman si Wen sabay ngiti kahit na patuloy parin na umaagos ang kanyang mga luha.

"Wala, may naalala lang" umiiyak na palusot nito.

Binaba naman ni Teux ang kamay nya na kaninang marahang hinahaplos ang likod ng kaibigan.

"Yung sinasabi mo nanaman bang first love mo? Hindi ka nga type eh" naiiling na sabi ni Teux

"Grabe ka naman, masyado kang mapanakit" pagsaway ni Wen sa kaibigan.

Tinapik-tapik ni Teux ang balikat ni Wen bago sya tumayo at kinuha ang bag.

"Iwan na kita ha? Punasan mo yang luha mo baka makita ka pa ng mga kaklase mo. Bahala ka jan pag tatawanan ka nila" biro nito at tumawa.

Patuloy lang na umiyak si Wen, "Oo na umalis ka na bwesit ka, parang di kaibigan eh"

Tumawa naman si Teux, "sige alis na ako, thank you sa aircon" saka tinapik uli ang balikat ng kaibigan at lumabas ng silid.

Patuloy na pinupunasan ni Wen ang kanyang mata pero mabilis naman itong napapalitan ng panibagong luha. Hanggang sa humagulgol nalang sya sa silid ng mag-isa.

Kung sana naging babae nalang ako.

Kung sana babae ako na may mahabang buhok tapos ilalagay ko sa pulsuhan mo ang pantali ko sa buhok para sabihin sa lahat na akin ka.

Kung sana babae ako, para pwede ko sabihin ng walang takot na mahal kita, para hindi ako mag-aalalang sa oras na sabihin ko ang nararamdaman ko hindi mo ako titignan ng may inis, galit, o pandidiri.

Oo medyo tanga ako sa part na hiniling ko pang ipakanta ito sakanya tapos ako lang din ang iiyak, pero ito lang kasi yung way ko para sabihin na mahal ko sya.

Siguro hoping din ako na maintindihan nya at malaman nya na para sakanya talaga yung kanta na hiniling kong kantahin nya.

Na kahit anong pilit kung kalimutan ang nararamdaman ko, na kahit ilang beses akong nasasaktan na panoorin ka na may kasamang iba, patuloy parin kitang mamahalin at mananatiling Walang Kapalit sa puso ko.











Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 27 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Walang Kapalit [TheeWave]Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora