PAGE 01: The File

0 0 0
                                        

Hindi ako naniniwala sa mga ghost story. Hindi rin ako mahilig sa horror.

Actually, kung may choice akong manood ng horror movie o matulog nang maaga, matutulog talaga ako.

That night, around 11:30, mag-isa ako sa kwarto habang nakaharap sa laptop ko.

May tinatapos akong schoolwork nang biglang may notification sa screen.

File received.

Napakunot-noo ako. "Ha?"

Wala akong hinihintay na file. I clicked it. Isang maliit na window ang lumitaw sa screen.

THE STORY THAT KNOWS YOU

Walang sender. Wala ring email address o kahit anong message. Isang file lang ang natanggap ko.

Napaatras ako nang kaunti habang nakatitig dito.

Tiningnan ko muna kung may download history, pero wala akong nakita. Wala rin sa email, sa messages, o sa kahit alin sa mga account ko. Para bang bigla na lang itong lumitaw sa laptop ko nang walang anumang bakas.

Ilang segundo ko lang itong pinagmasdan, hindi alam kung bubuksan ko ba o hindi.

I still clicked the file.

Biglang nag-black ang screen nang ilang segundo bago kusang bumukas ang isang dokumento. Puti ang background nito at itim ang mga letra, simple at mukhang ordinaryong nobela lang.

Sa pinakaunang pahina, may isang title.

THE STORY THAT KNOWS YOU

Sa ilalim noon, may isang pangalan.

Catherine Reyes.

Natawa ako nang mahina. "Seriously?"

Kapangalan ko pa talaga. "Okay. Someone's messing with me."

Maybe Mia. Siguradong si Mia. She was the only person I knew who would spend time making something this creepy just to scare me.

I scrolled down. The first paragraph appeared.

Catherine Reyes was eighteen years old and a first-year college student.

Okay.... masiyadong specific iyon para tawaging coincidence lang. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa.

She wasn't the type of girl who enjoyed horror stories. Napakunot-noo ako habang nakatitig sa screen.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-scroll.

Her best friend's name was Mia Santos.

Natigilan ang mga daliri ko sa trackpad. Hindi na ako natawa nang mabasa ko ang pangalan ng kaibigan ko.

Matagal akong nakatitig sa screen. Baka coincidence lang.

Hindi naman ganoon ka-bihira ang pangalang Mia, at common din naman ang apelyidong Santos. Kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa.

Her mother, Elena Reyes, was still awake downstairs, watching television while Catherine stayed in her room.

Dahan-dahan akong napatingin sa pinto ng kwarto ko. Nasa ibaba ang nanay ko at nanonood sa tv, at mahina kong naririnig ang tunog nito mula sa kinauupuan ko.

"No."

Muli akong napatingin sa screen. Baka isa lang itong napakalaking prank na pinagplanuhan nang mabuti. Kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa.

Catherine had been working on an assignment for the past 43 minutes.

I leaned closer to the screen.

She was wearing an oversized black shirt and gray shorts.

I looked down. Parehas na parehas.

Her laptop was sitting on the left side of her bed.

Napatingin ako sa laptop ko. Nasa kaliwang bahagi ito—eksaktong gaya ng nakasulat sa kuwento.

A glass of water was beside her right hand.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanan ko. Nandoon ang isang baso ng tubig—eksaktong nasa lugar kung saan sinabi ng kuwento.

"No way."

There was another paragraph.

Catherine was beginning to feel uncomfortable.

My heart skipped. I moved the cursor.

Scrolled down.

She was wondering how the writer knew what she was doing.

I stared at the sentence. Then, slowly, I whispered. "How do you know?"

Walang nangyari. Patuloy lang sa pag-ikot ang electric fan, habang umaalingawngaw pa rin mula sa ibaba ang tunog ng tv.

Baka may nag-hack lang talaga sa laptop ko. Baka may nakakuha ng access sa camera ko.

Agad kong tinakpan ng kamay ko ang webcam, saka napatawa nang alanganin. "Okay, Catherine. Kumalma ka"

Tumayo ako at tinignan ang bintana. Naka-lock ito. Tiningnan ko rin ang pinto ng kwarto ko, at naka-lock din.

Pagkatapos, kinuha ko ang phone ko. Walang bagong message, walang kakaibang notification. Wala akong napansing kahit ano.

Muli akong umupo at napatingin sa document na nakabukas pa rin sa screen. Nag-scroll ako pababa, at doon ko nakita—

May panibagong linya sa pinakailalim ng page.

Catherine is looking around her room right now.

Pagkatapos, may panibagong linya na unti-unting lumitaw sa screen—letter by letter, na para bang may taong nagta-type nito.

She is afraid.

Then another sentence appeared.

And now she is going to look behind her.

Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako lumingon. Hindi ko magawa.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng laptop, habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong manginig. "No."

Then the next sentence appeared.

She is going to turn around in three seconds. I stared at the numberless cursor.

Three seconds

Two.

One.

Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko.

Pero wala naman akong nakita. Nandoon lang ang kama ko, nakasara ang mga kurtina, at ang bakanteng upuan sa gilid ng silid.

Walang tao.

Napabuntong-hininga ako nang maramdaman kong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

"See?" I whispered to myself. "Nothing."

Muli akong humarap sa laptop. Nagbago na ang laman ng pahina. Isa na lang ang sentence na nakasulat doon.

Catherine Reyes doesn't know it yet, but this is the night everything begins.

Matagal kong tinitigan ang mga salitang iyon.

Dahan-dahan kong inilayo ang kamay ko mula sa trackpad. Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, gusto ko nang isara ang laptop.

Pero bago ko pa man magawa—may panibagong pangungusap na biglang lumitaw sa screen.

Welcome back, Catherine.

The Story That Knows YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon