Chapter 2

159 6 0
                                    

Nawalan na ako nang gana pagbaba ko ng stage. Mabuti na lang at patapos na rin ang celebration party para sa kasal nila Zai at Sam. Paalis na nga sila para sa honeymoon nila. Magkacaribbean sila eh. Bongga di ba? Bigtime kasi tong si Zai eh. Bigay lahat pagdating kay Sam. Sana lang ay hindi yun hanggang umpisa lang.

Nang makaalis ang kotse nila ay nagsipag-uwian na rin kami. Bahala na yung mga coordinator na mag-ayos doon sa venue. Kaya nga sila binayaran para doon di ba? Nagpaalam lang ako doon sa iba tapos ay umuwi na rin ako. Nakakapagod talaga kapag may ganitong mga events ang barkada. Di bale, malapit lang ang condo ko dito. Makakapagpahinga din ako para hindi ako maging haggard sa fashion show ko bukas.

Oo, may fashion show ako bukas. Kasalanan ni Sam kung bakit ako nasuong sa ganitong trabaho. But I have no complain. Naeenjoy ko to kesa sa office job ko noon. Though, pangrunway lang talaga ako. Hindi kagaya ni Sam na nagphophotoshoot for magazines and the likes.

Bigla namang tumunog yung phone ko. Agad kong chineck kung sino yun. Si Nica lang pala, yung manager ko.

"Nica, bakit ka napatawag?"

"Hello din. Tsk! Kelan ka ba matuto ng greetings?"

"Whatever, Nica. Sasabihin mo ba kung bakit ka tumawag o ibababa ko na to?"

"Sungit nito. Oo na, eto na sasabihin ko na. Ipapaalala ko lang yung fashion show mo bukas."

"Wag kang mag-alala, hindi ko yun makakalimutan. Anong oras mo ako pupuntahan?"

"7 am. Kailangang maaga tayo sa venue. Yung first set ng collections ay from 10 am to 12 pm. Ang second batch daw ay from 3 pm to 5 pm. Then at 6 pm, mag-uumpisa yung auction."

"Good. Masquerade ang theme ng auction di ba?"

"Oo. Nakuha na kita ng damit. Don't worry tomorrow. You'll be the most paid sa auction na yun dahil sisiguraduhin kong maglalaway ang mga gentlemen doon bukas."

"I don't care about those things, Nica. Ang mahalaga lang ay yung magiging porsyento ko doon sa makukuhang pera para sa auction. Sure na ba yung 60-40% na magiging hatian bukas?"

"Oo. Napapirma ko na rin yung contract."

"Good job then. May sasabihin ka pa ba?"

"Wala na."

"Then, I'll just see you tomorrow."

"Okay, bye."

At binabaan ko na siya. Hmmn, ayos talaga tong si Nica eh. Nagagawa niya yung mga bagay na gusto kong mangyari kapag tumatanggap ako ng mga projects. Mabuti na lang at siya ang ibinigay sa akin ni Sam. At mabuti na lang din at may datung na naman ako bukas. Wala na akong pangshopping eh.

*
"Great job, guys! Maari na kayong magpahinga. But be sure to get back here before 6 pm para makaabot kayo sa auction. Lalo ka na, Sophy." Sabi sa amin ni Fritzie, yung may-ari ng collection na iminodel namin ngayong araw. Kakatapos lang nung runway modelling namin at naririto nga kami ngayon sa dressing room para magpalit na.

"Don't worry, Fritz. I'll be back before you know it." I told her.

"Ano nga palang susuitin mo?"

"Hindi ko pa alam kay Nica. Alam mo naman yun. Masyadong pasuspense." Magbestfriend kasi yung dalawa kaya kilala na nila yung isa't isa.

She chuckled habang tinutulungan niya akong hubarin yung damit na ginawa niya. "But whatever it is, for sure, maganda yun. Magaling din ang taste nun ni Nica sa damit eh."

"I couldn't agree with you anymore. Kaya nga gustong gusto ko yun si Nica eh. Anyway, gusto mong sumama sa amin? Kakain muna kami bago magpalit ng pang-auction."

Persephone ComplexWhere stories live. Discover now