"Ano ba? Mind your own phone."

"Ano ba kasing meron dyan sa natawag sayo at ayaw mong sagutin?"

"Wala na kayo dun. Diyan na nga kayo. Pati ba naman yung phone ko, pinakakailaman niyo." Tumayo ako at nagdiretso sa banyo. Kainis naman kasi eh. Bakit ba to tawag ng tawag?

"Hello?" I answered the phone as soon as I entered a cubicle.

"Bakit ngayon mo lang sinagot?! Kanina pa ako tumatawag ah!" Bungad sa akin ni Mrs. Lu.

"Nasa kasalan ako ngayon kaya nasa bag ko lang tong phone ko mula pa kanina." I lied. Anong sense kung sasabihin ko sa kanyang I don't see any reason para sagutin ko ang tawag niya? "Bakit ka ba kasi napatawag?"

"Si Drake kasi..."

Bigla akong nagstiffen ng marinig ko ang pangalan na yun.

"A-anong meron sa kanya?"

"Pauwi siya ngayon dito sa Pilipinas."

At tuluyan na nga akong napasandal sa may pader ng cubicle. B-bakit siya uuwi? After 10 years niyang nawala, babalik siyang bigla ngayon?!

"Sophy? Andyan ka pa?"

"Oo." I managed to answer kahit pa nga sobrang daming tanong ang umiikot sa utak ko ngayon.

"Wag kang magpakita sa kanya. Alam mo naman kung anong mangyayari kapag nagkita kayo?"

Nakuha ni Mrs. Lu nang tuluyan ang atensyon ko. Of course! Hindi naman talaga ang pagpapaalam sa akin tungkol sa pag-uwi ni Draco ang pakay niya sa pagtawag niya sa akin ngayon.

"Wag kang mag-alala. Makakasigurado kang hinding hindi ako magpapakita sa kanya. Bakit kasi hindi mo siya pinigilan?"

"Iba na si Drake ngayon. Gumagawa na siya ng mga bagay nang hindi ikinukunsulta sa akin."

Napatawa naman ako ng pagak. So, the good boy has finally learned how to make his own decisions, eh?

"Well... Good for him at natauhan na rin siya."

"Sophy!"

"Don't shout at me, Mrs. Lu. Whatever your problems with your son, labas na ako doon. Ngayon, regarding doon sa pakay mo sa pagtawag sa akin. Wag kang mag-alala. Wala akong balak makipagkita sa kanya. Not unless, hanapin talaga niya ako. But I doubt it. Sa sobrang extreme ng mga nangyari noon between us, imposible ng gustuhin pa niya akong makita. Not that I like to see him too. So wag kang mapraning dyan. All of your secrets and lies are still safe."

"Aba't! Kung tutuusin ay kasalanan mo kung bakit siya ganito ngayon eh."

"Pwede ba? Don't blame me with your own fault. Wag tayong maglokohan dito. Alam natin kung bakit nauntog ng tuluyan yang anak mo. Anyway, may ibabalita ka pa bang iba? Alam mo kasi busy ako ngayon. Nakakaistorbo ka, you know. Kaya kung wala ka ng iba pang sasabihin, ibababa ko na to." At binabaan ko na nga siya.

Wag niyong isipin na bastos ako at hindi marunong gumalang sa matanda. Alam niyo kasi, naniniwala akong dapat pinipili ang mga matatandang ginagalang. At yung matandang kausap ko kanina? Hindi siya kasama sa mga karapat dapat na ginagalang.

Lumabas ako ng cubicle at naghilamos. Tapos ay napahawak na lang ako sa kwintas ko na may pendant na singsing. Draco... Draco... Draco... Anong dahilan mo para bumalik pa dito?

*
"Calling all of the unmarried ladies na present ngayon. Pumunta na kayo dito sa unahan para maihagis na ni Sam ang bouquet niya." Announce nung coordinator nitong kasal. Agad namang nagsilapitan ang mga dalagang naroroon. Sa table naman namin, kami lang ni Virgo ang naiwan.

"Hoy, pumunta ka kaya doon sa unahan. Wag ka ngang KJ. Tandaan mo para kanila Zai at Sam to."

"Tsk! Marami na silang makikiagaw doon no. At isa pa, ang makikiagaw lang sa mga ganyan eh yung may mga jowa at may plano nang magpakasal."

"So wala kang planong magpakasal?"

"Wala."

"Wag mong sabihing plano mong maging forever alone?"

"Mas mabuti yun di ba? Tutal naman lagi lang akong naloloko."

"At talagang ngayon ka pa natauhan kung kelan nakarami ka nang pagpapakatanga di ba?"

"At least natauhan ako."

"Ewan ko sayo, Sophy. Mahirap tumandang mag-isa no."

"Shut up. Don't lecture me about my love life. Isipin mo yang anak mo."

At bumalik na naman ang bugnot na expression ni Virgo. Pasensya! Madaldal kasi tong babaeng to eh. Yun lang ang naisip kong pambara sa kanya para matahimik na siya sa kakadaldal niya.

Pinanood ko na lang yung paghagis ni Sam nung bouquet niya. Sino ba kasing nagpauso na kapag nasalo mo ang bouquet ng bride susunod ka nang magpakasal?

[Flashback]
"One, two, three!" At hinagis na nung bride yung bouquet niya.

Hindi ko alam kung napwesto lang talaga ako sa maling lugar kaya saktong sakto na sa lap ko naglanding yung bouquet o sadyang nakatadhana lang na ganun ang mangyari.

"A-ah, nasobrahan ata ako ng lakas sa paghagis." Nahihiyang sabi nung bride sa akin. Napatingin ako sa paligid ko. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin.

Oo nga naman. Bakit ba kasi sa daming babaeng naroroon sakto pa talagang sa akin lumanding yung bouquet? I am just 13 years old, for heaven's sake!

[End of Flashback]

Pero iba na ngayon. Hindi na ako 13 years old. At tapos na ako sa ganitong phase ng buhay ko di ba? Fate, bakit mo na naman ito inulit?!

"Well, mukhang hindi matutuloy ang plano mong maging forever alone, Sophy." Nakasmirk na sabi sa akin ni Virgo habang ako naman ay titig na titig sa bulaklak na nasa lap ko.

"Congrats, Sophy! Ikaw na ang susunod na ikakasal. Ibig sabihin, panahon na para maghanap ka ng jowa." Sabi ni Judy na agad na nakalapit sa akin.

"Jowang matino. Please lang, Sophy ha. Maghanap ka ng lalaking maayos, okay?" Sabi naman ni Sam na hinigit pa ako patayo.

"I-i can't accept this."

"Pwede ba? Wag kang KJ. Halika na doon sa stage para maisuot na sayo yung garter."

"Hindi mo naiintindihan, Sam. This can't be happening again."

"Shut up, Sophy. Halika na doon."

Wala na nga akong nagawa kundi ang umakyat doon sa stage at hayaang isuot sa akin nung lalaki yung garter sa may hita ko.

Persephone ComplexWhere stories live. Discover now