With HIM

4 0 0
                                    

( Picture ni Kassie sa multimedia.)

Kiel's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng mga gamit ko. Malaki ang kwarto, may sarili ring banyo at walk in closet. Cream at brown ang combination ng interior color, kaya nakakarelax. Glass ang pinto papunta veranda at natatabunan lamang ng curtain.

Lumabas ako ng veranda at namangha ako sa nakita ko. Malawak na green grasses at ang gilid ay natatamnan ng roses in different colors. Ang ganda talaga. Kung titingnan ang bahay sa harap ay hindi gaanong malawak. Pero nasa likuran pala ang tunay nitong ganda.

May malawak na daanan papunta sa ... GREENHOUSE! WOW! at sa di kalayuan may malawak na pool. May tree house na katabi ang pool. Ang ganda talaga...

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko lubos maisip na dito pa ako nakatira ngayon sa bahay nila. Nabagabag ako lalo na at magkatabi lang ang kwarto namin, idagdag pa ang narinig ko kanina...

FLASHBACK--

"Why there!?" Tinig yun ni Leah

Tumigil ako sa paghakbang papasok.

" You'll be safe if there's someone using that room." Tita

" But mom-"

"No more buts. No one can ever do that again if Kiel's with you."

---END OF FLASHBACK---

Narinig ko ang usapang iyon. Kung ano man ang pangyayaring yun. Aalamin ko.!

Teka? Si Leah yun ah. Naglalakad papuntang tree house.

Sundan ko nga.

"Hi tita, good evening po." Bati ko kay tita nang mapadaan ako sa salas.

"San ka pupunta iho?" Tanong niya.

"Ah, magpapahangin lang po sa labas." Sagot ko naman.

"Ganun ba, pakitawag nalang din si Leah ha. Pumunta siya sa tree house niya eh. Kakain na tayo ng dinner."

"Sure tita."

Lumabas na nga ko ng bahay. Nakita ko siya paakyat ng tree house. Ano kayang itsura sa loob non.

"Bakit ayaw mabuksan tong kabinet ko? Ahhhhh" naiinis na sigaw ni Leah.

LOVE, wake me up!Where stories live. Discover now