PROLOGUE
|XYLETH'S POV|
"Fuck! Come back here!" sigaw ng lalaking gustong pumatay sa akin, pero hindi ko na iyon pinansin. Kahit may sugat ako sa braso dahil sa kutsilyong tumama roon, patuloy pa rin ako sa pagtakbo
"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?! Kung pera, bibigyan kita! Ano, isang bilyon?!" sigaw ko sa taong humahabol sa akin habang patuloy na tumatakbo
Siyempre, biro lang iyon. Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking pera? Gusto ko lang na lubayan na ako ng lalaking naka-mask na ito. Ewan ko ba, bigla na lang siyang lumitaw at akmang sasaksakin ako. Nakailag naman ako, hindi nga lang totally, kasi natamaan niya pa rin ako sa braso
Kaya noong nakita kong natulala siya, doon ako kumuha ng lakas ng loob para sipain siya sa pagitan ng mga hita. Napaluhod siya habang hawak-hawak ang sarili niya, kaya nagkaroon ako ng oras para makatakbo
Alam kong wala siyang balak na buhayin ako, kaya kailangan kong makatakas sa baliw na iyon. Hindi naman ako mayaman para pag-initan.
"Hindi ko kailangan ng pera mo, baby girl. Ang kailangan ko ay buhay mo, kaya huwag mo na akong pahirapan pa!" sigaw ng lalaki habang hinahabol ako, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo
"Hindi na ito normal. Kailangan kong makatakas. Gusto ko pang mabuhay dahil kailangan pa ako ni Mama," ani ko sa sarili habang nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko
May malubhang sakit si Mama kaya nasa ospital siya. Naiiyak na ako. Papaano na lang kung mamatay ako? Sino ang mag-aalaga kay Mama? May boyfriend naman ako, si Xian, pero alam kong hindi niya ako matutulungan dahil mahirap din siya
Tsaka boyfriend ko lang siya. Paano kung mamatay na ako? Baka maghanap lang siya ng bago.
By the way, I'm Xyleth Eleanor Monvalle, 23 years old. Ako at si Mama lang ang magkasama sa buhay. Si Papa, simula nang malaman niyang may sakit si Mama, nakipaghiwalay at sumama na sa iba
Masakit kasi kung kailan kailangan siya ni Mama, doon pa siya lumayo at iniwan kami. Kaya ako na lang ngayon ang nagtatrabaho para makabayad sa gastusin sa ospital at sa pang-araw-araw namin ni Mama.
At si Xian, boyfriend ko... Wala akong masyadong alam sa kanya. Ang alam ko lang, mag-isa siya rito sa Manila at nasa ibang bansa raw ang parents niya.
Habang tumatakbo ako, may bigla akong nabangga. Matigas iyon, kaya napatingin ako.
"Xian..." ani ko ng makitang dibdib pala iyon ni Xian
---
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS A BILLIONAIRE MAFIA
RomanceA sweet and innocent girl unknowingly falls back in love with the coldest and most feared mafia boss in the city-her former lover.
