Binigyan nya ako ng gold necklace na may magandang pendant na krus na maraming bato.


"Akin ba 'to Ram?" tanong ko habang hawak hawak yung pendant na krus sa dibdib ko.


"Hmm. You like it?"


"Oo." nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya. "Salamat ah, unang beses kong makatanggap ng ganito."


"You're welcome." sagot nito kasabay ang pagdampi ng halik nito sa ulo ko. "Halika na sa baba." dugtong niya. Kumalas na ako sa yakap niya at lumabas na ng silid. Muli itong huminto at pinasadahan muli ng tingin ang katawan ko.


"Ipanalangin mo na lang na hindi ako makasakit ng tao sa simbahan kapag may kakaibang tumitig sayo." Sabi nito saka ako muling hinapit sa bewang.


"Palagi mo na lang akong pinapagalitan sa suot ko kapag aalis tayo." nagtatampo waring sabi ko habang pababa kami ng hagdan.


"I'm sorry. I just don't like seeing dickheads ogling you as if they're going to taste you."


"Ram!" suway ko sa kanya. Talagang sinasabi nya sa akin yun? Si Ram yung tipo ng taong sasabihin talaga yung gusto nyang sabihin, mapabastos man o hindi.


Bahagya ko itong kinurot sa tagiliran pero mahina lang. Humalakhak lang ito saka mabilis na humalik sa leeg ko.


Dalawang sasakyan pa ang dinala namin papunta sa simbahan. Humiwalay pa kasi sina Mama at Papa pero kasama namin si Ate Malou sa sasakyan para katuwang ko kay Baby Zeyrone. Nagtext na rin sina Ninong at Ninang na papunta na rin sila ng simbahan, maging si Drickzel ay ganun din.


May parte sa akin na medyo masaya dahil hindi na makakapunta si Lexy. Hindi naman ito nagsabi pero tulad nga ng sabi ni Ram, hindi na daw nya ito makontact. Pero nandodoon pa rin yung pag aalala namin ni Ram, pero kung pinaglalaban man ni Lexy yung karapatan nya dahil mas matagal na ang pinagsamahan nila ni Ram at nangako na nga sa kanya ito ng kasal, kelangan ko ring ipaglaban ang karapatan ko. Alam ko sa sarili ko na mas may karapatan kami ng anak ko kay Ram at mas may obligasyon sa amin si Ram.


Pagdating namin sa simbahan ay nandodoon na silang lahat, sina Ninong at Ninang, Driczkel at iba pang kinuhang Ninong ng Papa ni Ram. Nandito rin si Clyde na kinuha ni Ram na Ninong. Napansin kong wala si Auntie Isabelle, pinasabihan ko naman ito na pumunta pero mukhang hindi ito dumating.


Nagtagal din ng mahigit isang oras ang misa at pagbibinyag. Iyak ng iyak si Baby Zeyrone lalo na ng paliguan na ito ng banal na tubig sa ulo. Medyo naiirita na rin ako dahil naiinitan talaga ako. Gustong gusto ko na ngang hubarin ang blazer na suot ko kaso nasa simbahan pa kami.


Pagkatapos ng binyag ay dumiretso na kami sa hotel kung saan idadaos ang kainan. Habang nasa sasakyan ay pinadede ko na si Zeyrone at pinalitan ng damit dahil pawis na pawis na rin ito.


Nang makarating na kami sa venue ay saglit na humiwalay sa amin si Ram at nakipag usap sa ibang mga tao. Si baby Zeyrone ay nakatulog na rin matapos ng ilang minuto. May isang kwarto doon kaya doon ko na nilapag si baby Zeyrone at pinabantayan na lamang kay Ate Malou. Nang macheck ko na maayos naman na sa kwarto si Zeyrone ay lumabas na rin ako. Pero bago ako lumabas ay hinubad ko na ang blazer na suot ko dahil kaninang kanina pa talaga ako naiinitan.


"Ate Malou, kayo na po ang bahala kay Baby Zeyrone, tawagan nyo na lang po ako kapag nagising na sya."


"Sige po Ma'am" sagot nito. Hinalikan ko muna sa noo si Baby Zeyrone saka tuluyan ng lumabas. Pagkalabas ko ay si Ram agad ang hinanap ko pero nasa tumpok pa rin ito ng mga kalalakihan at nakikipag usap habang may mga baso ng alak na hawak. Nagugutom na ako at gusto ko ng ayain si Ram kumain pero mukhang abala pa sya sa pakikipag usap. Maya maya ay tinawag ako nina Ninong kasama sina Ninang, Mama at Papa na nasa isang table.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGWhere stories live. Discover now