We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

6 0 0
                                        

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.

------------



Unnari





Malapit na akong matapos mag-ayos ng sarili dahil aattend ako sa birthday ng tropa ng ex ko.




Nabalitaan kong aattend din doon ang ex ko at ang bago niya. Alam ko namang pinagseselos lang ako ni Haru, kaya sasabihin ko sa kanya na naging effective ang pagpapaselos niya sakin. Sasabihin ko rin mamaya na bumalik na siya sa akin.




"Yan, perfect! Ang ganda mo!" sabi ko sa sarili habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Tumayo ako para tingnan ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng fitted black tube dress na may glitter na puti. Nakalugay lang ang buhok ko na medyo wavy; hindi ko na kailangang kulitin pa dahil natural naman na itong wavy.




"Yan, perfect! Sigurado akong babalik sa akin si Haru," sabi ko sa sarili habang ang ngiti ko ay abot-tenga.



Bumaba na ako para magpaalam muna kay Mama na gagamitin ko muna ang kotse.



Tunog ng takong ko ang maririnig habang bumababa ako ng hagdan.



"Ma?" tawag ko kay Mama. Pumunta ako sa kusina pero wala siya doon. "Mama?"




Walang sumagot. Siguro ay umalis na naman si Mama nang walang paalam. 'Di bale na, gagamitin ko na lang ang kotse. Malalaman din naman niya 'yon kapag nakitang wala ito sa garahe.



Byahe na ako papunta kina Richard. Talagang pinilit ko si Richard na bigyan ako ng invitation card, hindi naman talaga ako dapat imbitado pero pinilit ko lang na magkaroon ng imbitasyon. Hindi nga kami ganoon ka-close ni Richard noong kami pa ni Haru.



Pagkarating ko, kita ko agad sa labas ang mga nakaparadang sasakya, ang dami na kaagad mga bisita.




Papark ko na sana ang kotse ko kaso naunahan ako ng isang kotse. Sa inis ko, binusinahan ko ito bago ako pumarada sa kabila. Nang-aagaw kasi siya ng pwesto eh!



Taas-noo akong pumasok. Sinalubong kaagad ako ng ingay, nakita ko ang mga taong nagsasayawan, mukhang mga nakainom na sila. Pumunta ako sa pool area para tingnan kung nandoon si Haru. Tama ang napuntahan ko dahil nakita ko agad siya; nakaakbay siya kay Sharmel, ang bago niya.




Nahuli ako ni Haru na nakatingin sa kanila, kaya gumuhit ang isang ngisi sa labi niya, na kinairap ko naman.



Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin, kaya lalong lumawak ang ngisi niya. Nagpaalam muna siya saglit sa bago niya. Tumalikod na ako at naramdaman kong nakasunod siya sa akin.



Nakarating kami sa bahagi ng pool area na walang ibang tao. Hinarap ko siya at niyakap nang mahigpit.



Niyakap ko siya ngunit bumitaw din agad ako nang hindi ko maramdamang gumanti siya ng yakap.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Little Corner Stories to obsess over. Discover now