It's not ME! (One Shot)

899 39 9
                                    

"How many times do I have to tell you that, it's not me?" Siya habang halatang pikon na pikon na.

I heaved a sigh.. Yeah, I know, makulit ako. Pero can he blame me if ever man na siya ang paghinalaan ko? Nasa exact place siya noong nakita ko iyon.

"B-but you're here!"

"Karinn, I-T-S  N-O-T M-E! I'm just in the wrong place at the wrong time.." pigil ang gigil na saad niya.

I fully understand what he meant but I just can't accept it.

"Whiskey---"

"Enough, Karinn. Just.. just forget about it." At tuluyan na itong umalis.

Naiinis na sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto nito. Hmph!Nakakairita ka, ALAK! Alak kasi Whiskey. At nakuha ko pang mag-joke.

Muling tiningnan ko ang hawak na love letter. Yup, that's what we are arguing just a minute ago or hours maybe? I don't even know kung makailang beses ko nang in-insist iyon kay Whiskey pero parehas lang ang sagot nito. Ang tumataginting na---

IT'S NOT ME!

Nakakairita lang kasi! Hanggang ngayon wala pa ring development ang pagpapaamin ko kay Alak. I've been doing this for a long time. Wala pa ring nangyayari.

Binasa ko ang nilalaman ng sulat.

My lovely Karinn,  (Oh di 'ba? Saan pa kayo? Pero wala namang lovely sa pangalan ko, ah?)

Always remember that I'm just right here, guarding your life.

I love you.

Loving You,

P.S. I can't tell you my name.

Uyyy! Alam ko 'yang mga mukha niyo!sasabihin niyong parang wala lang. Hoy wag kayo! Kung maka-react kayo! Para sa akin, isang malaking karangalan na mabigyan ng love letter. Not everyone received one. Hindi lahat nabibigyan ng pagka-kataong magka-suitor. And I'm one of the few lucky ones.

Pero mas magiging masaya sana ako kung aaminin ni Whiskey na sa kanya ito nanggaling.

I can't help it! I can feel it! It's really from him. Or is it..

Oo na. In love ako roon sa It's-not-me-guy na iyon. Nakaka-HB. Uy, hindi heartbroken, ha? Highblood ang ibig kong sabihin. Hindi pa ako broken-hearted hangga't hindi pa tumitigil sa paglalakwatsa si Dora!

"Oh, ano bestfwend? Napaamin mo na ba si kuya?"

Si Wrine yan, bestfriend ko. Inaba-ngan ako sa pinto ng classroom namin para lang itanong 'yan. At tama kayo, kuya niya iyong alak na iyon. At hindi WRAYN ang pagbasa ng name niya. It's WAYN, silent R. Arte kasi ng mga parents niyan.

"Haist! Ano pa nga ba? Kundi ang famous line niyang.."

"ITS NOT ME!" At sinabayan pa ako ng bestfriend ko sa pagkakasabi niyon.

Alam niyo kasi, hindi lang ito ang time na ngbigay sakin 'yong P.S na iyon. So many times. Meron pa ngang flowers, chocolates at teddy bears. At sakto parati na nakakasalubong ko si Whiskey Salvatore.

At tsaka for God's sake, matagal ko na siyang iniibig, tinatangi, nililiyag, minamahal, isinasapuso si Alak!

Ah basta! Matagal ko na siyang mahal. Kaso, ayaw! Ang sungit pa naman noon, parang menopausal. Kaya lang, type ko kasi talaga iyong singkit niyang mga mata at lahat-lahat na sa kanya!

"Alam mo, Karinn.."

"Ai, di ko pa alam, Wrine!"

-_-++ Wrine

^_^ me

"Ano? Hindi na kita tutulungan doon sa masungit kong kuya?" Her brows raised, nagmamaldita.

"Ay, huwag naman ganoon!" Agad kong saad.

Baka lalong maudlot ang aking lablyf.

"Kelangan isigaw? Hay naku, Karinn! Eh kasi naman, imposibleng si Kuya iyon. Hindi iyon ganoon eh.."

Napatitig ako sa kanya. "Anong hindi ganoon?"

"Hindi siya pala-gift? Tsaka hindi iyon corny. Tsaka malay mo, si Qwerty pala 'yong nagbibigay sa'yo ng mga iyon. Di'ba stalker mo 'yon?" anito na prenteng nakaupo sa desk.

I sighed. Hay, oo nga 'no? Antagal ko na kasing pinapaamin iyon pero parehas lang iyong sinasabi ni Alak..

Saktong nag-iisip ako nang mapa-tingin ako sa labas at makitang dumaan si Whiskey..

Kasama si Fern..

Ang sinasabing ka-loveteam nito sa Block nito. Fourth year College na kasi ito. Kami ay second year, same kami ng course, Business Management.

At hindi lang iyon. Magka-holding hands ang dalawa. Or it seems like it, kung perfect pa nga talaga ang vision ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang nagawi rin sa akin ang kanyang tingin. My heart's drumming out of it's rib cage.. kasabay ng sakit.

Masakit din pala. Akala ko hindi na ako masasaktan dahil sanay na ako sa pag-reject sa akin ni Alak.. But this time.. I felt like being hit by a train. Leaving me broken and cold..

"Karinn.." bulong ni Wrine. May awa sa mga mata niya. "I saw it."

So, perfect pa nga ang vision ko.

I sighed. Pinipigilan ko ang emosyon ko maging ang nalalapit kong pag-iyak.

"Maybe you're right. It's not him."

Siguro nga ay tumigil na sa paglala-kwatsa si Dora.

Ilang days na ang nakalipas mula ng itinigil ko ang pangungulit kay Whiskey. At iniiwasan ko na siya.. Siguro nga'y okay lang naman sa kanya na umiiwas ako, kasi parang wala lang naman sa kanya ang presensiya ko.

Siguro nga ay tumigil na sa kaka-"Come on, Bamunos. Everybody let's go!", si Dora. Kasi, ititigil ko na ang pamimilit sa kanya..

Lalo na't may iba naman pala siyang gusto. Para saan pa na ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya 'di ba? I still have some pride and decency left of me. I don't want to lose myself even more.

Ngunit isang hapong uwian na ay naabutan ko sa labas ng room si Whiskey..

Nagmamadali akong naglakad palabas at hindi siya pinansin. Baka kasi iba iyong kailangan niya.. Kung iisipin, why would he wait for me? Imposible iyon..

Kaya nilagpasan ko siya at hindi na sinulyapan pa.

Akala ko ay makakaalis na ako ng pigilan niya ako sa kamay..

"Karinn.."  mahinang saad nito.

Hindi ako nagsalita..

Pero joke lang iyon!

Sumagot ako. Isang simpleng..

"Bakit?" nang hindi lumilingon.

Para kunwari, wala lang sa akin. Pero 'yong pesteng puso ko, grabe ang dagundong.

"Hindi. H-hindi kami ni Fern."

Nakakunot- noong bumaling ako sa kanya.. Pero mukhang bad move iyon dahil nakasalubong ko ng tingin ang singkit na mata nito na pinaka-nagustuhan ko sa kanya.

"It's not like may relasyon tayo."  nakasimangot na saad ko.

"B-but--

IT'S ME."

Fin—

Edited

Hey, watch out for Another Shot of Whiskey. Isang mahabang storya para sa dalawang 'to. And please read The Runaway Groom, nandoon sila nag-cameo. Might as well check The Crude Casanova, too. Salamat. ❤

Btw this is my first ever story here in wattpad.

-myishi_chan

It's not ME! (One Shot)Where stories live. Discover now