Prologue:
Hello! Ako si Iya Torres! Isa sa mga bida ng kwentong to, chos! xD Hindi ako basta basta isang normal na babae. Actually pati na rin mga tao sa paligid ko pati na ang kasama ko ngayon na si Lyka, ang forever bestfriend ko! :D Andito kami sa Astra Special Academy! Isa syang sosyaling unibersidad at maraming mga mayayaman at magagaling at SPECIAL na tao ang pumapasok dito. At bakit parang napakaspecial ng school na to?
Eh kasi naman..
Isa syang Academy for Special People! HINDING PANG SPECIAL CHILDREN HA?! xD Special as in gifted people and when I say gifted I mean people who are beyond and far more interesting than a normal person. In short Astra S Academy is for people who posses supernatural abilities or IN SHORT mga taong may powers.
Para sa inyong kaalaman, powers ko ay invisibility, mind manipulation and telekenesis. Well, i can turn invisible and make things invisible, i can convince anyone but I don't posses the ability to read minds, hello? Di ako psychic noh? Haha at telekenesis -kaya ko magcontrol ng animate or inanimate objects parang magmove ng bagay from one place to another at ayun.
Even though may powers kami we're still like humans kung kumilos pero with every great power comes with great responsibility nga diba?? Haha. So andito kami ngayon ni Lyka sa harap ng bulletin board sa hallway ng building.
"Iya!!!!"
"Oh bakit?"
"Tingnan mo to! tingnan mo to!" may pinakita syang maliit na poster.
"Look! Sakto o! Basahin mo dalii!" kinuha ko sa kanya yung maliit na poster na tinanggal nya mula sa bulleting board.
'LOOKING FOR ROOMMATES! 2 AVAILABLE SLOTS! For more info: text 09****'
OO nga, sakto lang talaga. Haha,
"Hmm. Mukhang Okay yan Lyka." I smiled.
"O diba friend? Hayy napakaswerte naman natin ngayong araw. Isipin mo naman kakamove lang natin dito sa university tas sasalubungin tayo ng goodluck! ^_^ Sana palaging ganito e noh?"
"Haha. Oo nga Lyka. Tara na muna! Ikot ikot muna tayo dito sa university saka na natin asikasuhin yang titirhan natin." tumango naman sya at nagsimula na kami maglakad lakad dito.
Lakad dito lakad doon.
Dumaan na kami sa mga rooms ng school, infairness anlaki ng academy ah. Yung Gym parang sports complex lang ang peg, tas may special training rooms at may mga iba't ibang magaganda at malalawak na rooms at places dito sa academy. Kapag dumaan ka sa library baka MALIGAW ka lalo na kung di ka pa sanay. Eh well. Mga short stops lang kami sa bawat destination at dahil gusto na namin puntahan yung nakita naming available slots nagtext na si Lyka dun sa number.
--
To: 09*****
Hi, This is Lyka Rose. May inadvertise kayong poster na about sa available rooms. Hmm, gusto sana namin ng friend ko maginquire sa rooms. Please tell us more about the offer. Thank you :D
*Message Sent!
Yun o! Okay na. Kahit kelan o maasahan ko tlaga bestfriend ko, we're always there for each other.
Mga ilang mins. may nagreply na
From: 09****
Ahhh. Yung offer na yun.. valid pa naman sya. Okay, kung gusto nyo accepted na ikaw ng friend mo. Mapapagusapan naman natin yung rent nyo some other time. Mabuti pang magcheck in nalang kayo :) Btw ako si Hannah. Pupuntahan ko nalang kayo sa address na to sa dorm 107.
