Chapter 53

23.3K 793 141
                                    


Hi Pentiumians! I am very very sorry dahil super tagal kong mag-update ng story kong ito.

Alam niyo naman guys na graduating student ako at daming kailangan gawin at ipasa.

Pero pagpasensyahan niyo na ako pero dahil nag-update naman po ako eeh

Sana magustuhan niyo itong update ko

Again, Mobile lang po ang ginamit kong pang-update

------------------------------------------------------

Alexis P.O.V

Nasisilaw ako kahit nakapikit ako. Alam niyo yung ganung feeling na kahit nakapikit kayo eh parang ang liwa-liwanag ng nasa paligid mo. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil feeling ko pagbinigla ko ang pagdilat ko sa mata ko ay anytime mabubulag ako, ganun katindi ang liwanag, feeling ko lang ang dami kong feeling, masyado akong feelingera.

Pagdilat ko ng mata ko puro puno na ang nakikita ko kaya sa tingin ko nasa forest ako pero bakit ba lagi na lang ako nasa puro puno di naman ako mukhang puno.

Naglakad-lakad na ako palabas ng forest para maipaliwanag na kanila friendsters ko kung ano na nangyayari. They are on the move at kailangan ko silang abisuhan bago pa mahuli ang lahat.

Yung lakad ko eh ginawa ko ng takbo dahil mas mabilis nga naman kung tatakbo ako kaysa maglakad pero pagnapapagod ako nagpalakad na lang ako.

Una kong pinuntahan ang dorm namin, kailangan ko munang maligo at syempre kumain dahil tom jones na tom jones ako.

Pagkarating ko sa room namin, napakatahimik at ni katiting na sound eh wala kang maririnig. Baka nasa klase pa sila. Tama nga 10 palang ng umaga so nasa klase pa sila.

Naghugas muna ako ng kamay at hinanda ang mga PUTAhe sa lulutuin ko. Ang lulutuin ko nga pala ay adobi dahil trip ko lang. Joke! Wala na kasing ibang pwede maluto, yun lang ang kya ioffer ng nasa refrigerator namin na mas matangkad pa sa lola niyo. Sasabihan ko nga mamaya si Sarah na magshopping naman kami.

Habang nakasalang na ang niluluto ko eh napagdesisyunan ko na maligo muna ako kasi ang tagal ko ding di nakaligo eh.

After kong maligo, sakto naman na luto na rin yung adobong niluluto ko. Paano ko nalaman na luto na siyempre naamoy ko at tinignan ko, tinusok-tusok ko pa nga ng tinidor yung mamoy e( baboy).

Habang kumakain ako ng adobong mamoy, eh nagisip-isip ako, taray! Nag-iisip pala ako, kung paano ko matatalo yung bad guys. Kailangan na mapaghandaan ang pagsalakay nila kaso wala ng oras. They are on the move! Di ko namalayan na naubos ko na yung isang kilong baboy na inadobo ko kaya tatakbo na ako sa room namin.

Kaso pagdating ko dun wala ng tao kaya naman nagtanong-tanong ako kung nakita ba nila yung mga elementalist kaso nakakapagtaka lang para ang snob ng mga students ngayon. Famous na kaya sila?

"Ate, nakita mo ba si Travis?" Tanong ko si ate na padaan sa harap ko with full smiley on my face pa yan kaso pak! Inisnob ang lola niyo. Ginamit ko na na ang pangalan ng Fafa Travis nila aaah..

Kaya naman nagtry pa ako ng iba pang students, etong nakikita ko tropa kaya naman nilapitan ko na. The more the merrier nga diba, since tropa sila mas malaking chance na isa sa kanila eh nakita yung elementalists.

Paglapit ko, "hi guys! Nakita niyo ba kahit isa sa elementalists??" Full smile again ang lola niyo pero mga 10 seconds na ako nakangiti at nag-aabang ng sagot pero wala, inisnob again.

"Ay nasa ospital pala sila Fafa zeke!" Biglang sabi ng isang babae sa tropa na naka navy blue sweatshirt na may design na peace sign.

"Thanks!" Full smile kong sabi pero nagtaka ako na nagsitayuan din sila at umalis.

Pentium Academy (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon