+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nag-stay pa nang konting oras ung mga people bago magkayayaan umuwi. Napasarap ang mga loka sa pagkkwentuhan eh. Nung nag-decide na silang mag-uwian, nanghingi pa ng mga pabaon. Syempre, silip naman ako sa ref kung anong meron. Nung wala akong makita, pumunta ako sa kwarto ko, may kinuha lang saglit, tapos bumalik ako kung san naghihintay ung mga people.
Ako: Oh ehto, pabaon.
Nilabas nilang lahat ung mga kamay nila.
Ako: Piso para syo, piso para syo, piso para syo.
Richie: Nakoooo poooohhh!!! Ano namang gagawin ko sa piso??!
Arianne: Sa hirap ng buhay ngayon, wala na tohng mabibili noh.
Joshua: Kayo naman, nanghihingi kayo ng pabaon tapos nung binigyan kayo, nagrereklamo pa kayo.
Ako: Uu nga... Tama, horsey, sige, pagtanggol mo ko.
Joshua: Kasalanan ba ni Janessa na talagang kuripot sya?
Anak ng...Ok na sana eh..
Ako: Kala ko ba kakampi kita?!
Joshua: (tingin sa'kin) Oo nga... Kinakampihan na nga kita di ba?
Ako: Che. Maghanap ka nga ng kausap mo.
Richie: Ay, sige na nga. Pa-sweetums pa kayo dyan, pagsasapakin ko kayong dalawa eh. Halika na nga at baka wala pa tayong masakyan.
Tumingin ako sa relo.
Ako: If you want, ihahatid ko na kayo.
Richie: Eh?
Ako: Kailangan ko rin naman mamili.
Joshua: Anong bibilhin mo?
Ako: Ay di mo ba napansin? Halos wala nang laman ung ref.
Joshua: Ahhhh... hehe... Mamimili ka.
My golay... Naiwan nanaman yata ni horsey ung tenga nya kung saan..
Joshua: Sama na ko.
Ako: Anoh ka? Di na tayo kasya sa kotse noh... Gusto mo sa bubong ka.
Mark: Yehey!!! Hahatid tayo ni Nessy!
Ralph: Di na tayo maglalakad!
Joshua: Mga ulol! Ang lalapit lang ng bahay nyo, ihahatid pa kayo!? Di na kayo kasya noh!
Mark: Iwan kame? @.@
Ako: Sorry.. Ung apat lang kaseh na medyo malayo ang kaya kong ihatid eh... Kung gusto nyo, (ngiti kay Joshua) pahatid na lang kayo kay Joshua.
Joshua: Hala! Ano ka!? Sayang pa gasolina ko dyan sa dalawang yan!
Ralph: Kuripot ka talaga! Kuripot!
Mark: Kuu-riii-pot!!
Pak! Pak!
Haaaayyyy...nabatukan na naman ung dalawa..
Mark: Nessy oh... T^T
Ako: Ay nako, tara na nga. (tumingin ako kay Joshua) I'll be back as soon as possible, ok?
Joshua: Fine. -__-
Naglabasan na kame. Naglakad na pauwi sina Mark at Ralph. Naiwan si horsey sa apartment (taong bahay~). Sina Paolo, Arianne, Jodi, tsaka si Richie, nagpasukan sa kotse ko. Joyride muna kame. Unang bumaba si Jodi. Si Richie sunod, may pahabol pang flying kiss kay Paolo.
Paolo: (pagkalabas ni Richie) Brrrr... Feeling ko na-rrape ako nung baklang un eh.
Ako: Yaw mo nun? May sobrang attracted syo?
After ilang ikot, si Paolo naman binaba ko... Ilang ikot uhlet, nakita na namin ung condo ni Arianne.
Ako: Yan na, layas na.
Arianne: Langya ka, di mo man lang ako ma-mimizz?
Ako: Sira! Magpapasukan na noh... Araw-araw nanaman kitang makikita.
Arianne: Kailangan bang ipaalala un?
Bubuksan nya na sana ung pinto nang bigla syang natigilan. Eh di syempre, napatingin ako... Baka inaatake na ng stroke, di ko pa alam.
Ako: O? Ano?
Arianne: Janessa, about kay Patricia...
Sino raw?
Ako: Sino?
Arianne: (humarap sa'kin) Si Trixie...
Ahhhhh... Patricia ba totoong pangalan nun.
Ako: Ahh... oh, ano?
Arianne: Wag mong hayaang gumitna snyo ni Joshua un...
Ako: H-ha?!? A-ano bang sinasabi mo?! Eh di naman kami ni Joshua... Pano may gigitna?!?
Arianne: Ahsuz, lokohin mo yang lelang mo... Obvious na obvious naman na may chuva-chuchu ka dun sa horse ng knight in shining armor mo~
Ako: H-hinde ah!
Ganon ba ka-obvious?!? Shuckz...kahiya naman to the bones!
Arianne: Wag ka na ngang mag-deny. Pero anyway, all I'm trying to say is, wag kang mag-gigive up kay Joshua... Mahal ka rin nun eh.
Sure... Mahal din ako nun. And maybe, totoong nag-eexist si Santa Claus.
Ako: Ano ka ba? Si Trixie mahal nun noh.
Arianne: Haller?!? Past is past noh. Medyo may pagka-stupid lang yang si Joshua kaya di nya pa napapansin ung present.
Ako: Saan ka nga uhlet pupunta sa usapang toh?
Arianne: Kaseh nga... Masyadong na-hang up yang si Joshua kay Trixie na feeling nya eh hanggang ngayon eh mahal na mahal nya pa rin un. Di nya pa na-rrealize na nag-fade na ung time nila. Suz, kahit si Trixie nakikita na faded na ung "love" nila for each other. Kaya sobra na selos nya syo eh. Shtuuupid lang talaga si Joshua.
Malamang ilang beses nang nakakagat ni Joshua dila nya.
Arianne: Kitang-kita naman ng world kung pano ka tingnan ni Joshua noh... Ay grabeh, gustung-gusto ko na ngang mag-wish upon a star pag nagtitinginan kayo.
Anong tingin? Ung pang-aasar nya? May stars dun? Bakit isang malaking bola ng sun ang nakikita ko? --- nag-aapoy sa asar.
Ako: I don't get what you're talking about, pero, oo na lang ako.
Arianne: Nahahawa ka na pagiging slow ni Joshua ha... (binuksan na ung pinto) Pero anyway, keep this in mind ha. Di ba nga, most people stare at the closed door for so long na di nila napapansin ung bagong door that has been opened for them. Batuhin mo kaya uhlet ng unan para naman matauhan na at makita ka?
Ako: Ay loka!
Bumaba na si Arianne, sabay sarado ng pinto habang natawa. Pinanood ko lang sya sandali na makapasok tapos reflect-reflect muna ako sa conversation namin.
Hmmmmm.... Isip... Hmmmmm again... Isip isip... Hmmmmmmmmmmmmm..
Waaaaahhhhh bubwit! Imposible namang mahal ako ni Joshie eh halos magkandarapa nga sya sa paghabol kay Patricia -- Trixie -- whatevah
Hinablot ko ung bag ko at hinalungkat para sa wallet ko. Kailangan malaman kung magkano ba ang Budget ko. Abah, mamimili ako, di ko naman alam magkano dala ko.
Erase-erase-erase na nga yang "mahal-mahal-chuchu" na yan... Kahit ilang unan ba ibato ko kay horsey, di lilingon un noh.
Eh hollowblocks kaya ibato ko? :D
Avah...wait-a-minit..
Hinalungkat ko uhlet ung bag ko... Nasan wallet ko? O_O Ay gaga... Naiwan ko sa cabinet sa kwarto ko.
Haaaaaayyyyyyyy...
Mukhang kailangan ko pang bumalik sa apartment nito... Sayang gas... tsk tsk tsk..
YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...
Gitara - Chapter 48
Start from the beginning
![Gitara [Official] - Completed](https://img.wattpad.com/cover/1121893-64-k479763.jpg)