Napa-iktad ako nang maramdaman ko ang init ng araw na nangagaling sa bintana ng kwarto. Ngumiti ako at bumagsak din agad ito nang mapagtanto ko na nandito pa rin ako sa estrangherong mundo na 'to. Akala ko bumalik na ako sa kwarto ko sa Cavite.
Hays...
Isang buwan na pala ang lumilipas nang mapadpad ako dito sa Montecillo? Oo, tama, Montecillo ang tawag nila sa bansa nila.
Noong unang araw ko dito akala ko parte lang ito ng isang malaking prank ng isang sikat na vlogger at ako ang biktima nila o baka naman naligaw lang ako sa isang taping na ang tema ng kanilang palabas ay medieval era. Lumipas ang mga araw ay walang nag babago sa paligid at ganap na ganap pa rin ang mga tao dito kaya naniwala na akong totoo ang lahat.
Hindi lang ang lugar na 'to ang weird kundi pati ang sarili ko. Pumasok ang kaluluwa ko sa katawan ng ibang babae. Lady Isabella ang tawag nila sa may-ari ng katawan na 'to. Hindi ko mapagkakaila ang taglay niyang ganda, maputi at makinis ang balat, ka-kulay ng gabi ang mahaba at alon-alon niyang buhok, at ang pinaka kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang mga mapupungay na mata na kulay tsokolate.
Maganda naman ang buhay ko rito dahil anak ng isang noble family ang babaeng ito kaya naman nararanasan kong tumira sa isang mansyon na dalawampung beses na mas malaki sa bahay namin, nakakapag suot ako ng magagandang damit, hinahainan ako ng masasarap na pagkain, at higit sa lahat hindi ko na kinakailangang gumawa ng gawaing bahay dahil may mga tao nang gumagawa no'n para sa akin.
Ang boring din ng buhay ko dito, walang kahit na anong pwedeng gawin dahil ang mga noble ladies dito ay hindi pinahihintulutang lumabas ng mansyon maliban na lang kung ito ay isasama ng kanilang magulang sa labas or pahihintulutan sila ng kanilang mga magulang.
"Magandang umaga Lady Isabella, narito na po ang inyong almusal,"
"Pasok"
Napaka pormal nila dito mag salita feeling ko pumasok ako sa loob ng Noli Me Tangere. At dahil hindi pa nga ako sanay sa ganitong pagsasalita ay nag tataka sila dahil kakaiba raw ang pagnanalita ko.
Pumasok si Mathilda, ang personal maid ni Lady Isabella. Hawak niya ang isang tray ng mainit na tsaa at plato ng tinapay. Araw-araw ganito ang eksena ko sa umaga pero kung minsan ay sabay-sabay ang pamilya kumain ng almusal sa dining hall, depende na lang talaga sa amats ng mga magulang nitong si Isabella.
"My lady, naghurno po ako ng paborito niyong tinapay. Kung gusto niyo pa po ay maari ko pa po kayong kuhaan," ngumiti siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
"Salamat Mathilda," hindi ko na siya hinintay na umalis at inumpisahan ko nang lantakan itong tinapay na binake niya. Yom ang tawag nila sa tinapay na 'to, may hawig ito sa croissant pero cube shaped ito na may lamang cream at mga prutas loob at may toppings din ito na powdered sugar at iilang prutas. Ito daw ang paboritong tinapay ni Isabella simula nung bata pa siya.
"Walang kupas talaga ang iyong paghuhurno, Mathilda," nakita ko ang pagka galak niya sa sinabi ko. Oo, ito ang first time ko na matikman ang tinapay na 'to pero deserve ni Mathilda ang papuri dahil sa sarap ng tinapay na binake niya.
"M-maraming salamat po Lady Isabella. Nagagalak po akong nagustuhan niyo po ang Yom na hinurno ko"
Matapos kong kumain ng almusal ay tinanaw ko ang labas. Mula dito sa second floor ng mansyon ay kitang-kita ko ang merkado sa di kalayuan. Sabi nila Mathilda marami raw ang mabibili doon tulad ng karne, gulay, mga gamit sa bahay, palamuti, tela, street foods, at marami pang iba. Gusto ko sanang bumili doon kaso nga hindi ako pinapayagan ng mama't papa ni Isabella.
Iniisip nilang may kinikita akong lalake doon dahil kahit kailan ay hindi naman naging interesado si Isabella na pumunta doon. Ang tanging ginagawa lang ng babaeng 'to ay mag mukmok sa kwarto at mag basa ng mga libro sa loob ng library ng mansyon. Well, hindi ako ganoon. Mas gusto kong mag lakwatsya kaysa makulong dito sa kwarto.
YOU ARE READING
Her Royal Mission
ActionOnce upon a day, Pauline Gomez, a simple girl with a dream to have her own happy little family. Found herself in a very strange world... A world of royals, aristoctras, castles, wars, and politics With one mission to accomplish...
