JUNE 2007 (S.Y. 2007-2008)
"Ano? Sasali ba tayo sa JSCOD?" Tanong ko sa best friend Kong si Anna. Dahil nga kami ay nasa 3rd year high school na, puwede na kaming sumali bilang Junior Scout Council Officer of the Day. Parte siya ng ROTC program, pero hindi kasing intense ng training sa ROTC.
"Sure ka ba? Papayag ba ang parents mo? Eh napakahigpit ni Tito. Bawal ka ma-late pauwi, bawal nga atang mag extra-curricular eh." Totoo naman talaga ang sinabi ni Anna. Sa sobrang higpit ng tatay ko, kulang na lang talaga pwede akong maging pasaway pero hindi ko kayang gawin iyon. Mabait pa talaga akong anak. Basta sasabihin ko na lang sa Mama ko na extracurricular to para sa additional grades.
"Oo nga! Ako na ang bahala sa kanila. Basta sasali tayo. Maganda kaya siya. Tapos may uniform pa tayo na iba at isusuot lang kapag araw ng duty natin. Tayo lang naka-fatigue sa classroom 'nun if ever." Na-e-excite na akong sumali kasi noong first year high school pa lang ako kapag nakikita ko sila sa gymnasium na nakahanay, nai-imagine ko rin ang sarili ko na kasali. Dahil, aside sa mga varsity players na naglalaro sa gym, mga officers din ang tinitingnan ko.
Well, ako nga pala si Lilienne Hyacinth Ortega, third year high school sa isang private school. My friends call me Lily, Liyen, or Hya depending on their moods. Panganay ako sa dalawang magkapatid. Ang tatay ko ay isang government employee at nagtatrabaho sa isang national agency, kaya madalas siyang nasa Manila dahil doon talaga siya naka-assign. Ang nanay ko naman ay nasa ibang bansa, isang OFW, at nagtatrabaho bilang accountant sa United Arab Emirates. Kaming dalawang magkapatid ay nasa pangangalaga ng aming lolo at lola. Sila ang pinakamamahal ko sa buong mundo. Sorry sa nanay at tatay ko, pero kung tutuusin, sila Nanay at Tatay na talaga ang tumayong mga magulang namin simula pa lang noong maliliit kami. Si Papa ay monthly lang umuuwi sa probinsya. Siguro ang pinakamatagal na niya minsan sa amin ay apat na araw. Di naman kami nagrebelde ng kapatid kong si Levi Hyzin. Actually, parehas kaming honor students. Kaya masayang-masaya pa rin ang parents namin, lalo na si Mama, kasi kahit malayo siya, di kami mga pariwarang mga bata.
Itong school year na 'to ang simula ng nalalapit na pag-abot ko sa mga pangarap ko. Gusto ko talagang maging flight attendant. Gusto kong malibot ang mundo. Pero ayaw ng papa ko sa pangarap ko. Pero bahala na, may 2 years pa ako sa high school. I will enjoy every moment of my last two years in high school.
"Siya, sige sige. Papalista na tayo sa mga 4th-year students. Aalilain nila tayo doon. Ready na ba tayo? Masasayang 'tong ganda natin kung squats lang tayo at ibibilad sa araw." Himutok nitong best friend kong si Anna Marie Gomez. Sa aming dalawa, siya talaga ang ligawin at mas maganda. Elementary pa lang kami, classmates na kami. At halos lahat ng boys ay crush niya. Kikay at maarte yan pero hindi yung maarte na nakakainis. Naalala ko pa noong nauso ang hair ni Jolina Magdangal, aba, every day ding nakaayos ang buhok niya na parang si Jolina na maraming clips sa buhok. May bangs din siya at long straight hair. Ako, wavy hair na medyo makakapal ang strands, kaya di talaga bagay ang bangs. Mind you, nakakapag-ipit pa rin naman ako noon ng buhok gaya ni Jolina!
"Alam ko. Kaya nga kailangan nating galingan." Papunta na kami sa registration booth para sa mga aspiring junior officers gaya namin.
"Bakit pa ba kasi dito tayo sasali? Dapat nag-dance troupe na lang tayo. Magaling naman ang tayong sumayaw. Tara na lang sa booth nila sa kabila! " Akma niya akong hihilahin papunta sa booth ng School Dance Troupe, pero hinila ko rin siya nang konti para huminto muna kami.
"Gusto mo bang sa Dance Troupe ka na lang? Kasi ayaw kong napipilitan ka lang kasi ito ang gusto ko. At tsaka kailan ka ba nakinig sa akin? Himala nga na sa akin ka sasama, eh. " Kilala ko kasi 'to. Sa dami ng advice ko noon sa kanya, be it sa love life niya or sa pag-aaral namin, wala naman siyang pinakinggan, kaya nga nagtataka ako kung bakit siya sasali sa gusto kong salihan.
YOU ARE READING
My Millennial Love
RomanceIn 2007, beneath the shade of an old umbrella tree, two hearts found a love that neither of them knew would shape the rest of their lives. Lily and Jeremy were ordinary high school students whose story began with exchanged glances, shared notebooks...
