"Some encounters happen for a reason. Others become the reason your life changes forever."
Unang araw ng klase sa Westbridge University.
Maagang gumising si Han. Excited siyang magsimula ng panibagong chapter ng buhay niya bilang college student. Habang nakatingin siya sa salamin, napangiti siya.
"This is it. New school, new people, new memories."
"Han! Malilate ka na!" sigaw ng mama niya mula sa kusina.
"Coming, Ma!"
Pagdating niya sa campus, namangha siya sa laki nito. Halos lahat ng estudyante ay abala-may nag-uusap, may nagpi-picture, at may naghahanap ng classrooms.
"Excuse me... saan po ang Engineering Building?" tanong niya sa isang student.
"Straight lang tapos kanan."
"Thank you!"
Habang naglalakad, may narinig siyang isang himig.
Tunog ng gitara.
Hindi ito maingay o pang-performance. Isa lang itong simpleng melody na tila may dalang emosyon.
Parang may gustong ikuwento.
Hindi namalayan ni Han na sinusundan na niya ang tunog.
Huminto siya sa harap ng music room.
Bahagyang nakabukas ang pinto.
Dahan-dahan siyang sumilip.
May isang lalaki sa loob.
Nakatungo ito habang maingat na tinutugtog ang itim nitong electric guitar. Walang ibang tao sa silid.
Tahimik.
Kalma.
At bawat nota ay tila tumatagos sa puso ni Han.
"Ang ganda..." mahina niyang bulong.
Biglang huminto ang tugtog.
Dahan-dahang tumingin ang lalaki sa direksyon niya.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
"May kailangan ka?" malamig nitong tanong.
Nagulat si Han.
"H-Hindi... sorry. Napadaan lang ako."
Hindi nagsalita ang lalaki.
Isinukbit niya ang gitara at naglakad papunta sa pinto.
Pagdaan niya sa tabi ni Han, saglit siyang tumigil.
"Next time... knock first."
At tuluyan siyang umalis.
Naiwan si Han na nakatulala.
"Sungit naman."
"Siya talaga 'yon."
Napalingon si Han sa isang babaeng nakangiti sa kanya.
"Kilala mo siya?"
"Sino ba namang hindi?" natatawa nitong sagot. "Si Jac. Third-year student. Lead guitarist ng campus band na Midnight Echo."
"Gan'on ba..."
"Gwapo, matalino, at sobrang galing tumugtog. Kaya lang... hindi siya palakaibigan. Wala pa akong nakitang ngumiti 'yon."
Tahimik na tumango si Han.
Hindi niya maintindihan kung bakit, pero may kakaiba sa lalaking iyon.
Hindi lang dahil sa galing nitong tumugtog.
Kundi dahil sa lungkot na naramdaman niya sa bawat himig ng gitara nito.
Habang naglalakad papunta sa kanyang classroom, hindi na mawala sa isip niya ang misteryosong guitarist.
Samantala, sa kabilang bahagi ng campus, tahimik na nakaupo si Jac sa ilalim ng isang puno.
Pinagmamasdan niya ang mga daliri niyang kanina lang ay tumutugtog ng gitara.
"Why did she keep listening?" bulong niya sa sarili.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon...
May isang estrangherong nakinig sa musika niya, hindi dahil sikat siya-
kundi dahil naramdaman nito ang bawat nota.
Hindi pa alam nina Jac at Han...
Na ang simpleng pagtatagpong iyon ang magiging simula ng isang awiting sabay nilang bubuuin.
End of Chapter 1
YOU ARE READING
Chasing Your Melody
RomanceSome people fall in love at first sight. Others fall in love through a melody. Han is a cheerful freshman whose only dream is to finish college and make her family proud. Love has never been part of her plans, especially not with someone who seems i...
