01: Welcome to Isla Verde

11 0 0
                                        

Isla's POV


"Huy, dahan-dahan naman! Baka matumba 'yang motor!" sigaw ko habang nakakapit sa likod ng lumang tricycle ni Tatay.

Para siyang tanga. Tuwid na tuwid ang likod, at halos mamuti ang mga knuckles niya sa sobrang higpit ng kapit sa manibela. Kitang-kita mula sa likod ang branding ng mamahalin niyang oversized hoodie-na siguradong basang-basa na ngayon ng pawis dahil sa tindi ng sikat ng araw dito sa Isla Verde.

Pagdating sa tapat ng talyer, bigla siyang nag-preno nang malakas. Muntik na siyang sumubsob kung hindi lang niya mabilis na naibaba ang mahahaba niyang binti.

"Damn it," he muttered, running a frustrated hand through his messy, ash-brown hair. Puno ng inis ang mukha niya, pero bwisit, ang guwapo pa rin talaga. Bagsak ang ilang hibla ng buhok niya sa noo, at ang tangos ng ilong niya habang nakakunot ang noo sa akin.

"What kind of road is that, Isla? Puros lubak! I think my back is broken," reklamo niya, ang boses ay may halong artifact ng pinalaking-subdivision accent mula sa Maynila.

Natawa ako nang malakas bago bumaba ng tricycle. Lumapit ako sa kanya at tinapik nang malakas ang balikat niya, dahilan para mapangiwi siya.

"Welcome to the province, Caleb Santos! Sabi ko naman sa'yo, hindi pwede rito 'yang mga pa-porma mo," pambubuyo ko habang nakangiti nang nakaloloko. "Gusto mo pang mag drive, hindi mo naman pala kaya ang rough road namin."

He glared at me, stepping closer until he completely towered over me. Amoy mamahaling panlalaking pabango pa rin siya na humahalo sa simoy ng dagat.

"I can handle it," matigas niyang sabi, though halatang nanginginig pa ang mga kamay niya. "Sadyang hindi lang talaga pang-tao ang daan niyo rito."

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, totally unfazed sa masungit niyang posture. "Well, city boy, better get used to it. Dahil hangga't nandito ka sa isla... rules ko ang masusunod."

Isang tipid na smirk lang ang isinagot niya, pero nakita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng Adam's apple niya habang nakatitig sa mga mata ko. Umuna na akong maglakad papasok sa talyer habang palihim na napangiti.

Tiningnan ko ang mukha niyang hindi na maipinta. Tsk, sino ba kasing nagsabi sa kanya na mag-volunteer para samahan akong kunin ang ipinaayos ni Tatay na parte ng tricycle? Ugok din, tapos magrereklamo.

"Oh Isla, nandiyan ka na pala. Oh, eto na. Pakisabi nalang sa Tatay mo na pag-iisipan niya ang sinabi ko sa kanya. Magandang oportunidad na rin kung sakaling papayag ang Tatay mo na ibenta ang isla para mapromote na rin ito at magkaroon ng trabaho ang mga tao dito."

"Sige ho, Mang Itoy, salamat dito." Lumabas na ako dahil yung tingin ni Caleb sa akin, nagliliyab na sa inis.

"Gusto mo ng buko juice?" tanong ko sa kanya.

"No. Are you done? Gusto ko nang maligo. I can already smell the sweat coming out of my body. The scorching sun... parang piniprito ang balat ko sa init."

Tiningnan ko siya ng masama. Sino ba namang tanga ang naka-hoodie na nga, naka-long sleeves pa?

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yo na magdamit ka ng ganyan kakapal? Alam mo namang isla 'to at ang init dito," pambabara ko sa kanya.

"Tiisin ko na 'yung init kaysa naman magka-skin cancer ako," pairap na sagot niya.

"Edi magtiis ka." Iniwan ko siya para bumili ng buko juice. Binilhan ko na rin siya ng bottled mineral water, dahil nung nakaraan, pinainom namin siya ng tubig galing sa poso ay tatlong araw itong nagka-diarrhea. Ganoon kasensitive ang tiyan ng lalaking 'yun.

Waves Between UsStories to obsess over. Discover now