Kalalabas lang ni Jake mula sa loob ng paaralan. Sobrang bigat ng kanyang mga balikat dahil sa pagod.
Habang naglalakad, tinawag siya ng kanyang kaibigang si Shan.
"Pre, tara, punta tayo sa bagong park. Maraming food stall doon. Nagugutom na ako, eh."
"Ayoko, pre. Pagod na ako. Napakaraming ginawa sa araw na ito," pagod na sinabi ni Jake.
Nalungkot si Shan sa pagtanggi ni Jake, ngunit wala siyang magawa.
"Sige, pre, ingat ka sa pag-uwi. Mauna na ako," kumaway si Shan habang papalayo.
Nagbuntong-hininga si Jake habang naglalakad.
"Sa wakas, weekend na ulit. Makakapagpahinga na ako," masayang sinabi ni Jake.
"Ma, ano ang ulam?" ang sigaw na patanong ni Jake habang paakyat sa kanyang kwarto.
"Adobong sitaw, nak!" sigaw na pabalik ng mama ni Jake.
Pagpasok sa kanyang kwarto, ang makikita mo lamang ay higaan, upuan, lamesa, at aparador. Napakasimple lamang. Kwarto ng isang estudyante kung iisipin.
Nilapag niya ang bag sa sahig, nagpalit ng pambahay na damit, at humiga upang magpahinga. Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang kanang kamay malapit sa kanyang mukha, at biglang napangiti.
Sa kanyang index at middle finger ay may lumalabas na light blue na usok.
Pumikit siya at nag-concentrate. Ang kanyang consciousness ay biglang napunta sa ibang lugar.
Napunta siya sa isang kagubatan at pinagmamasdan ang isang ibon na nakadapo sa isang puno habang nakalutang. kakaiba ang pakiramdam dahil hindi niya ramdam ang pisikal na katawan niya. Parang kaluluwa lamang siya ngayon.
Gamit ang kanyang isip, ang kanyang tunay na katawan ay biglang napunta sa posisyon ng kanyang kaluluwa at nahulog mula sa taas hanggang sa lupa.
*thud!
"Ouch! Ang sakit." Napa-aray si Jake sa pagkakahulog niya, pero namangha siya sa nangyari sa kanya. Dahil bigla siyang napunta dito sa kagubatan. Sa madaling salita, nag-teleport siya!
Hindi maipaliwanag ni Jake ang nararamdaman niya ngayon. Sobrang saya niya dahil may kapangyarihan siya.
Pagkaraan ng ilang minutong kasiyahan ni Jake, biglang sumagi sa kanyang isipan kung paano siya makakabalik sa kanilang bahy. Napatigil si Jake. Anong kanyang gagawin ngayon?
Natuklasan niya ang kanyang kapangyarihan kahapon, ngunit natakot siyang subukan ito agad kaya't naghintay siya hanggang sa araw na ito.
Walang magagawa si Jake kundi ang maglakad hanggang sa matagpuan niya ang dulo ng Kagubatan. Naglakad siya hanggang sa hindi na niya makayanan. Napakaraming hayop ang kanyang nakasalubong ngunit natakot siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan.
Wala naman itong kakayahang opensibo.
ang kapangyarihan na ito ay ang pag-project ng kanyang consciousness at pag-teleport sa minarkahan na nilalang na may buhay.
At sa wakas, natagpuan niya ang dulo. Sa abot-tanaw ay ang masiglang lungsod ng Cramona.
Gabi na nang umalis siya sa kagubatan. Ngayon, nasa parke siya na binanggit kanina ng kaibigan niyang si Shan.
Nakita niya si Shan na nakaupo kasama ang ibang mga estudyante. Napansin ni Jake na hindi pa sila nakauuwi dahil suot pa rin nila ang kanilang school uniform.
Habang nakikipag-usap si Shan sa kanyang mga kaibigan, nakita niya si Jake na mukhang pagod na pagod.
"Anong nangyari sa'yo, boi? Tara, umupo ka dito. May pinuntahan ka ba? Mukhang pagod ka eh."
Binati si Jake ng ibang mga estudyante, ngunit walang nakilalang kaklase si Jake. Siguro galing sila sa ibang seksyon na kaibigan ni Shan.
Kumakain sina Shan at ang iba pa ng barbecue na binili nila. Bagong bukas ang parke, kaya naman marami ang mga nagtitinda ng pagkain dito.
Pagkatapos ng mahabang oras ng paglalakad palabas ng kagubatan, walang ibang nagawa si Jake kundi ang magpahinga sa parke kasama si Shan at ang iba pa. Pagkatapos magpahinga, nagpaalam na siya at umuwi.
Kumatok siya sa pinto at hinintay na pagbuksan siya ng kanyang ina. Nagulat ang kanyang ina dahil akala niya ay nasa kwarto ang kanyang anak at nagpapahinga.
***
Sa bagong natuklasang kapangyarihang nya, ano sa palagay mo ang gagawin ni Jake? Gagamitin ba niya ito para sa kanyang sariling kapakanan o para sa nakararami?
-END-
YOU ARE READING
Ordinary Until Today
ActionOne ordinary day changes everything. After awakening a strange ability, Jake finds himself caught in a world of superpowered individuals, hidden secrets, and growing dangers. he must master his power before it's too late.
