Prologue

1 0 0
                                        

Napalingon ako sa kasamahan namin na lumabas sa room 277 na umiiyak. Napagalitan siguro nung pasyente sa room na yon.

"Let me guess, kung ano ano pinagsasabi niya sayo noh?" Sabi niya doon sa kasamahan namin. Napatango naman siya.

"Napaka sama ng ugali niya! Gwapo nga siya pero ang sama sama ng ugali niya! Para siyang hari ng mga d*m*ny*!" Galit na galit na sabi niya.

"Hindi ka namin masisisi kung ganyan ng words mo sa kanya, kasi sa totoo lang, madami na yang napaiyak at nagalit." Nacurious ako bigla. Lahat? As in lahat?

"Pati ikaw head nurse?" Biglaan kong tanong, kaya napatingin sila sa akin.

"Oo, pati siya." Sabi nung isa pa naming kasamahan. Bali apat kami dito sa nurse station, yung dalawa pinuntahan nila yung iba nilang pasyente.

Pero teka, mabalik tayo. Ang head nurse namin napaiyak? Everyone knows how tough she is. No matter how rude the patient was, hindi siya umiiyak. But this guy just made her cry?!

"Tapos si Sean din. You know how calm and kind he is, right? Hindi siya nagpapaapekto sa sinasabi ng iba, pero nung natapat siya doon sa room 277, he suddenly lost control. Padabog niyang sinara yung pintuan ng room ni 277, tapos padabog din niyang nilapag yung tray na kamuntikan nang ikabasag ng mga gamot na nakalagay sa tray. Halos hindi na nga namin siya makausap non eh."

Now, that's interesting. We all know Sean, hindi siya nagpapaapekto sa sinasabi ng iba, kahit anong gawin, at sabihin mo sa kanya, tatawanan ka lang niya at hindi papansinin ang mga sinabi mo, mag jojoke pa nga yan regarding doon sa sinabi mo eh. But all of the sudden bigla siyang nagalit? Hmm... so, interesting.

Ano kayang itsura niya? Matandang binata? Kasi sobrang sungit daw eh. Eh diba kapag matandang dalaga at binata masungit? So, baka oldies na siya. Kaso sabi niya gwapo daw, baka malubha lang yung sakit? Minsan kasi may mga pasyente kaming malubha ang sakit at palaging naiinis.

"Parang interesado ka doon sa tao ah?" Bigla naman ako napatingin doon sa nagsalita.

"Hindi naman." Sagot ko sa sinabi niya.

Tapos bigla siyang napangiti. Mukhang may hindi magandang gagawin ang aming head nurse ah. Hindi maganda kutob ko dito.

"Starting tomorrow, you'll be his nurse. And see for yourself, how bad his attitude was."

Whaaaatttt??????

~~~~~~~
Story cover from: Pinterest

This CEO is obsessed with meMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon